Pumunta sa nilalaman

Ulop

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Mausok na hamog)
Isang ulop

Ang ulop ay isang nakikitang masa ng usok na gawa sa tubig na binubuo ng mga maliliit na tubig o krystal na nay yelo na nakasuspinde sa hangin na nasa o malapit sa ibabaw ng Daigdig.[1] Tinatawag din itong maulap na hamog. Habang ang hamog ay isang uri ng ulap, naiiba ang maulap na hamog mula sa salitang ulap dahil mababa ang hamog na maulap, ang pamamasa sa maulap na hamog ay kadalasang lokal na nalilikha (katulad ng mula sa isang malapit na katawan ng tubig, tulad ng isang lawa o ang karagatan, o mula sa isang malapit na mamasa-masang lupain o latian).[2]

Naiiba ang maulap na hamog mula sa anggi o hamog dahil lamang sa kasinsinan o densidad nito, na naipapadama sa nagreresultang pagpapababa o pagpapalabo ng paningin sa mga bagay o pagkanakikita ng mga bagay: Nagbababa ang maulap na hamog sa kakayahan ng pananaw sa mas mababa kaysa 1 km (5/8 milyang estatuto), habang ang angge ay nagpapababa sa kakayahan ng paningin ng may hindi bababa sa 1 km (5/8 estatutong milya).[3]

Ang salitang ulop ay ginagamit sa ilang lalawigan sa Pilipinas na nagsasalita ng Tagalog na tumutukoy sa makapal na usok bagama't ulap ang madalas gamitin ng ibang tagapasalita ng Tagalog.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. (Sa Ingles) Fog and Boundary Layer Clouds: Fog Visibility and Forecasting. Gultepe, Ismail, patnugot. Muling inilimbag mula sa Pure and Applied Geophysics Bolyum 164 (2007) Bilang 6-7. ISBN 978-3-7643-8418-0. p. 1126; tingnan ang Google Books, napuntahan noong 2010-08-01.
  2. Thomas, P. (2005) p. 3. ISBN 0-7844-0795-9 Tingnan ang Google Books, napuntahan noong 2010-08-01.
  3. "Federal Meteorological Handbook Number 1: Chapter 8 - Present Weather" (PDF). Tanggapan ng Pederal na Koordenador para sa Meteorolohiya. 2005-09-01. pp. 8–1, 8–2. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2011-05-21. Nakuha noong 2010-10-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Leo James English, Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Bookstore, may 1583 na mga dahon, ISBN 971910550X