Pumunta sa nilalaman

Kurt Weill

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Kurt Weill.

Si Kurt Weill (ipinanganak sa Dessau noong 2 Marso 1900; namatay sa New York noong 3 Abril 1950), ay isang kumpositor na Aleman na naging isang Amerikano pagdaka. Bagaman tumanggap siya ng pagsasanay bilang isang kumpositor ng musikang klasiko, nagsulat siya ng maraming mga awitin na nasa estilo ng popular at may pagka-jazz. Partikular siyang naaalala dahil sa musikang isinulat niya para sa mga dula ng Alemang dramatistang si Bertolt Brecht, pati na rin ang para sa mga musikal na isinulat niya noong nanirahan siya sa New York, Estados Unidos. Nagsulat din siya ng mga simponiya at musikang pangtsamber, natatangi na ang noong panahon ng kaagahan ng kaniyang karera sa larangan ng musika.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]


TalambuhayMusikaAlemanya Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Musika at Alemanya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.