Kwanzaa
- Para sa ilog sa Anggola, pumunta sa Ilog ng Kwanza.
- Para sa salapi, pumunta sa kwanza ng Anggola.
Kwanzaa | |
---|---|
Ipinagdiriwang ng | Mga Amerikanong may ninunong mga Aprikano at mga taong may ninunong mga Aprikano sa buong mundo. |
Uri | Kultural at etniko |
Kahalagahan | Ipinagdiriwang ang pamanan ng mga taong Itim, pagkakaisa, at kalinangan. |
Mga pagdiriwang | Pagkakaisa Sariling Determinasyon Pagtutulungan sa Gawain at Responsibilidad Cooperative Economics Purpose Creativity Faith |
Petsa | Disyembre 26 hanggang Enero 1 |
Kaugnay sa | Buwan ng Kasaysayan ng mga Itim na Tao |
Ang Kwanzaa ay isang pagdiriwang sa Estados Unidos na tumatagal ng isang linggo na nagbibigay dangal sa pamanang Aprikano at kalinangan, na binibigyang tanda ng mga nakikilahok sa pamamagitan ng pagsindi ng kinara (suksukan ng kandila).[1] Ginaganap ito magmula Disyembre 26 hanggang Enero 1 bawat taon, pangunahin na sa Estados Unidos. Itinuturing ang Kwanzaa bilang isa sa pangunahing mga pista opisyal sa loob ng panahon ng Kapaskuhan sa Estados Unidos.[2][3][4]
Binubuo ang Kwanzaa ng pitong mga araw ng selebrasyon, na nagtatangi ng mga gawaing katulad ng pagsisindi ng kandila at pagbubuhos ng mga libasyon, at humahantong sa isang pagpipista at pagbibigayan ng mga regalo. Nilikha ito ni Ron Karenga at unang ipinagdiwang mula 26 Disyembre 1966, hanggang 1 Enero 1967.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ ""Why Kwanzaa Video"". "Ron Karenga". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2007-12-30. Nakuha noong 2009-11-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Gabay sa Kapistahang Opisyal - Pagdiriwang ng Pasko, Hanukkah, at Kwanzaa (Ingles)
- ↑ Pasko, Hanukkah, at Kwanzaa - Mga Pagdiriwang ng Mag-anak (Ingles)
- ↑ Retail bells ring early Naka-arkibo 2009-12-02 sa Wayback Machine. thonline.com
Ang lathalaing ito na tungkol sa Estados Unidos at Kalinangan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.