López (apelyido)
Itsura
Ang López o Lopez ay isang apelyido na may Kastilang pinagmulan.[1] Orihinal itong patronimiko, na nangangahulugang "Anak ni Lope", ang Lope mismo na isang ibinigay na pangalang Kastila ay hinango mula sa Latin na lupus, na nangangahulugang "lobo". Lopes ang katumbas nito sa Portuges at Galyego, Lupo sa Italyano, Loup (o Leu) sa Pranses, Lupo o Lupescu sa Rumano, at Llopis sa Katalan at Balensiyano.
Mga kilalang tao
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ginagamit ang pangalang López bilang isang apelyido. Ilan sa kilalang mga taong taglay ang gayong apelyido ay:
- Adolfo López Mateos, Mehikanong politiko
- Eugenio Lopez Sr. politikong Pilipino at ang nagtatag ng ABS-CBN Corporation
- Fernando Lopez, politikong Pilipino
- Gabriella Louise Ortega Lopez, (mas kilala bilang Gabbi Garcia) artistang Pilipina
- Gina Lopez, makakalikasan at pilantropong Pilipina
- Graciano López Jaena, Pilipinong manunulat, rebolusyonaryo
- Íñigo Oñaz López de Loyola, mga Kastilang Kristiyano
- Jade Lopez, artistang Pilipina
- Jennifer Lopez, mang-aawit, artista, mananayaw at tagadisenyong Amerikano
- Liezel Lopez, artistang Pilipina
- Miguel López de Legazpi, Baskong Espanyol kongkistador
- Ruy López de Segura, paring Espanyol
- Ruy López de Villalobos, eksplorador na nagbigay ng pangalang Las Islas Filipinas
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Pedro Morote Pérez (1741). Antiguedad, y blasones de la ciudad de Lorca, y Historia de Santa Maria la Real de las Huertas ... (sa wikang Ingles). por Francisco Joseph Lopez Mesnier, en la calle de Zambrana. pp. 214–.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)