Jennifer Lopez

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Jennifer Lopez
Jennifer Lopez, Agosto 2004
Kabatiran
Kapanganakang pangalan Jennifer Lynn Lopez
Kilala rin bilang J.Lo
Kapanganakan (1969-07-24) Hulyo 24, 1969 (edad 48)
Pinanggalingan The Bronx, New York, E.U.
Genre Latin pop, R&B, pop, dance-pop
Mga Gawain Aktres, mang-aawit, kompositor, record producer, mananayaw, television personality, fashion designer, television producer
Taong aktibo 1986–kasalukuyan
Mga tatak Epic, Island
Mga nakaugnay na akto Marc Anthony
Website jenniferlopezonline.com

Si Jennifer Lynn Lopez (ipinanganak 24 Hulyo 1969[1]), na kilala rin sa palayaw na J.Lo, ay isang Amerikanang aktres, mang-aawit, prodyuser, mananayaw, personalidad sa telebisyon, 'fashion designer' at prodyuser sa telebisyon. Nagsimula ang karera ni Lopez bilang isang mananayaw sa isang programang komedyang pantelebisyon na In Living Color. Pagkatapos ay sumabak sa pag-arte, at nakilala sa pelikulang Money Train.

Una siyang nagbida sa pelikulang talambuhay na Selena noong 1997, kung saan umani siya ng ALMA Award para sa Katangi-tanging Aktres. Nakuha niya ang kanyang ikalawang ALMA Award para sa kanyang pagganap sa Out of Sight (1998). Simula noon ay nagsimula na siyang bumida sa iba't ibang pelikula, gaya ng 'The Wedding Planner (2001), Maid in Manhattan (2002), Shall We Dance? (2004), Monster-in-Law (2005), at The Back-up Plan (2010).

Naabot ni Lopez ang katanyagan sa industriya ng musika pagkatapos ilabas ang kanyang unang studio album na On the 6 (1999) kung saan nakapaloob ang nangunang single nito na "If You Had My Love". Ang kanyang ikalawang studio album J.Lo (2001) ay naging matagumpay, na nakabenta ng walong milyong sipi sa buong mundo. Ang J to tha L–O!: The Remixes (2002) ang naging ikalawang album na nagsimula sa #1 sa Billboard 200 samantala ang kanyang ikatlo at ika-apat na studio album na – This Is Me... Then (2002) at Rebirth (2005) – ay umabot sa ikalawang pwsto ng Billboard 200. Noong 2007, naglabas siya ng dalawang album na kinabibilangan ng kanyang kauna-unahang album sa wikang Kastila Como ama una Mujer, at ang kanyang ikalimang studio album Brave. Nagbalik siya sa musika na may bagong record label, at inilabas ang kanyang ika-pitong album na pinamagatang Love? noong 19 Abril 2011. Ang single na "On the Floor" ay kasalukuyang nasa mga tsart sa buong mundo. Ang kanyang mga ambag sa industriya ng musika ang nagbigay sa kanya ng maraming mga tagumpay na kinabibilangan ng dalawang nominasyon sa Grammy Award; dalawang nominasyon sa Latin Grammy Award; tatlo sa American Music Awards, kasama pa ng anim na iba pang nominasyon; at sa tinatayang benta na 55 milyon sa buong mundo.[2][3][4] Inihanay siya ng Billboard bilang ika-27 Artista ng dekada 2000.[5]

Diskograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Pangunahing lathalain: Jennifer Lopez discography

Compilation album

Mga talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

External[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]

Padron:Jennifer Lopez Padron:Jennifer Lopez singles