Labanan sa Malolos

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang Labanan sa Malolos ay hinggil sa pagkakaroon ng sagupaan sa labanan ng Maynila pahilaga patungong Malolos, ang kabisera ng unang Republka ng Pilipinas. Nagpamalas ng buong kagitingan ang mga kawal na Pilipino ngunit wala rin silang nagawa sa marahas na pagsugod ng napakaraming sundalong Amerikano. Nabihag ng mga Amerikano ang Malolos sa pamumuno ni Heneral Arthus MacArthur.

Tumakas si Aguinaldo kasama ang kanyang gabinete at inilipat sa San Fernando, Pampanga ang kabisera. Sumunod ang mga Amerikano hanggang sa nabihag ding isa-isang mga bayan sa Bulacan at Pampanga hanggang nalapit sila sa San Fernando. Muling inilipat ni Aguinaldo ang pamahalaan sa Tarlac. Sinalakay rin ni MacArthur ang Tarlac at ito’y kanyang nabihag. Muling lumikas si Aguinaldo at nakarating sa Bayombong, Pangasinan. Buhat dito’y nagtuloy siya sa Kamlon, timog Ilocos patunong Lalawigang Bulubundukin.

Pagdating niya sa Lalawigang Bulubundukin, iniutos niya sa kanyang mga heneral na bumubuo ng pangkat ng gerilya sapagkat wala silang laban sa mga mahuhusay na sandata ng mga Amerikano. Nahirapan ang mga Amerikanong sugpuin ang mga ito hanggang nakaisip sila na isagawa ang paraang sona. Walang sinumang pinayagang lumabas ng sona at ang magpumilit ay kanilang ipinahuhuli o ipina babaril. Dalawang taon ding tumagal ang samahang gerilya.


KasaysayanPilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.