Lahatang kapnayan
Ang lahatang kapnayan, kapnayang panglahatan, pangkalahatang kapnayan o kemikang heneral (mula sa Ingles na general chemistry, na dinadaglatang "gen chem" kung minsan) ay isang kursong kadalasang itinuturo sa mga matataas na paaralan at isang pagpapakilala sa antas na pampamantasan. Nilalayon nitong magsilbing isang malawak na introduksiyon sa iba't ibang diwa ng kemika at malawakang itinuturo. Sa pampamantasang antas, paminsan-minsan din itong ginagamit na karagdagang kurso para sa mga disiplinang kaugnay o hindi na itinuturing na nangangailangan ng mataas na antas ng siglang pangkaisipan o maramihan at malawakang pasaning mga kurso. Isa rin ito sa iilang mga kursong pangkemika sa karamihan ng mga pamantasang hindi tuwirang nagtatangan ng isang partikular na disiplinang katulad ng kemikang organiko o kemikang analitiko.
Mga diwang itinuturo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kabilang sa mga kaisipang itinuturo sa lahatang kapnayan ang mga sumusunod:
- Istoykiyometriya
- Pagtitipid ng enerhiya
- Pagpapanatili ng masa(bigat o timbang)
- Batas ng hindi nagbabagong komposisyon
- Mga Batas ng gas
- Kemikang nukleyar
- Solubilidad(kakayahang matunaw)
- Kemikang pang-asido at base
- Kemikong pagsasanib
- Kimikong kinetiko
- Termodinamiko
- Dagikapnayan
- Ekilibriyong kemikal
Ang lathalaing ito na tungkol sa Kimika at Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.