Pumunta sa nilalaman

Laissez-faire

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Laissez faire)

Ang Laissez-faire[1] [bigkas: les-sey-feyr] ay isang salitang Pranses na nangangahulugang "pabayaan na lamang ang mga bagay" o "padaanin na lang"; mula sa orihinal na pariralang "laissez faire, laissez passer" o "bayaan lang, padaanin." Isa itong prinsipyo o paniniwala ng pagpapaubaya o pagpayag na bayaan na lamang ang mga suliranin na humanap ng sariling katugunan na hindi pinakikialaman ninuman o ng anuman. Bilang isang doktrina o paniniwalang pangekonomiya, hindi pinapayagan ng prinsipyong ito ang pakikiaalam ng pamahalaan ng estado, bayan o bansa sa mga pangyayaring may kaugnayan sa ekonomiya.

Nanggaling ang pilosopiyang ito sa mga ekonomistang Pranses noong panahon ng ika-18 dantaon, na pinalawig naman nang lumaon ni Adam Smith, isang ekonomistang Ingles. Binatay ang konsepto o diwang ito mula sa paniniwala sa "likas na kaayusan" kung saan dapat na may harmoniya o kaisa sa kaunlarang pangkabuhayan o ekonomiya ang mga pansariling pagpapahalaga o interes ng isang tao .[1]

  1. 1.0 1.1 "Laissez-faire". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.