Lalawigan ng Brescia
Lalawigan ng Brescia | |
---|---|
Palasyo Broletto sa Brescia, ang luklukan ng Lalawigan | |
Map highlighting the location of the province of Brescia in Italy | |
Mga koordinado: 45°38′N 10°18′E / 45.633°N 10.300°E | |
Country | Italya |
Region | Lombardy |
Established | 23 Oktubre 1859 |
Capital(s) | Brescia |
Comuni | 205 |
Pamahalaan | |
• President | Samuele Alghisi (PD) |
Lawak | |
• Kabuuan | 4,785.62 km2 (1,847.74 milya kuwadrado) |
Populasyon (2019)[2] | |
• Kabuuan | 1,265,964 |
• Kapal | 260/km2 (690/milya kuwadrado) |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Postal code | 25121-25136, 25010-25089 |
Telephone prefix | 030, 0364, 0365, 035 |
Kodigo ng ISO 3166 | IT-BS |
Plaka ng sasakyan | BS |
ISTAT | 017 |
Websayt | provincia.brescia.it |
Ang Lalawigan ng Brescia (Italyano: provincia di Brescia; Brescian: pruìnsa de Brèsa) ay isang Lalawigan sa Lombardy, hilagang Italya . Ito ay may populasyon na humigit-kumulang 1,265,964 (hanggang Enero 2019) at ang kabisera nito ay ang lungsod ng Brescia.
May lawak na 4,785 km², ito ang pinakamalaking lalawigan ng Lombardy. Ito rin ang pangalawang lalawigan ng rehiyon para sa bilang ng mga naninirahan at ikalima sa Italya (una, kung hindi isasama ang mga kalakhang lungsod).
Ang mga hangganan nito ay ang lalawigan ng Sondrio sa hilaga at hilagang kanluran, lalawigan ng Bergamo sa kanluran, lalawigan ng Cremona sa timog kanluran at timog, lalawigan ng Mantua sa timog, at sa silangan ang lalawigan ng Verona (na bahagi ng rehiyon ng Veneto) at Trentino.
Bukod sa Brescia, ang iba pang mahahalagang bayan sa lalawigan ay ang Darfo Boario Terme, Desenzano del Garda, Palazzolo sull'Oglio, Montichiari, Ghedi, Chiari, Rovato, Gussago, Rezzato, Concesio, Orzinuovi, Salò, Gardone Val Trompia, at Lumezzane.