Pumunta sa nilalaman

Lalawigan ng Pisa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Para sa lungsod, tingnan ang Lungsod ng Pisa.


Isang mapang nagpapakita ng posisyon ng mga lalawigan ng Toscana.

Ang lalawigan ng Pisa (Italyano: provincia di Pisa) ay isang lalawigan sa rehiyon ng Toscana sa gitnang Italya. Ang kabisera nito ay ang lungsod ng Pisa. May lawak na 2,448 square kilometre (945 mi kuw) at kabuuang populasyon na 421,642 (Magmula noong 2014), ito ang pangalawa sa pinakamataong tao at ikalimang pinakamalaking lalawigan ng Toscana. Ito ay nahahati sa 37 comune.[1][2]

Sa kasaysayan na nagmula sa mga Etrusko at Punico, nakamit ng lalawigan ang malaking kapangyarihan at impluwensiya sa Mediteraneo noong ika-12 at ika-13 siglo. Ang Pisa, ang kabesera ng probinsiya, ay kilala sa Nakahilig na Tore , at iba pang makasaysayang tanawin na nakakaakit ng mga turista.

Ang mga estadistika na naitala mula noong 1861 ay nagpapakita na ang populasyon ng lalawigan ay unti-unting tumaas, mula 240,000 ay noong 1860 hanggang c. 390,000 noong 1990s. Mula noong bagong milenyo, tumaas ito ng mga 30,000 hanggang mahigit 420,000 ngayon.[3]

Noong Enero 1, 2014, ang sampung pinakamataong munisipalidad ay Pisa (88,627), Cascina (44,901), San Giuliano Terme (31,315), Pontedera (28,915), San Miniato (28,072), Ponsacco (15,609), Santa Croce sull'Arno (14,528), Castelfranco di Sotto (13,431), Santa Maria a Monte (13,197), at Casciana Terme Lari (12,536).[4]

  1. "Provincia di Pisa" (sa wikang Italyano). Stat AdminStat.
  2. "Statistiche". Upinet. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 7 Agosto 2007. Nakuha noong 26 Setyembre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Censimenti popolazione provincia di Pisa 1861-2011" (sa wikang Italyano). tuttitalia. Nakuha noong 27 Setyembre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Comuni in prov. di PI per popolazione" (sa wikang Italyano). tuttitalia. Nakuha noong 27 Setyembre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Italya Ang lathalaing ito na tungkol sa Italya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.