Lalawigan ng Vibo Valentia

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Vibo Valentia
Vibovalentia mappa.png
Vibo Valentia in Italy.svg
Mga koordinado: 38°40′31″N 16°05′45″E / 38.675277777778°N 16.0959°E / 38.675277777778; 16.0959Mga koordinado: 38°40′31″N 16°05′45″E / 38.675277777778°N 16.0959°E / 38.675277777778; 16.0959
Bansa Italya
LokasyonCalabria, Italya
KabiseraVibo Valentia
Bahagi
Lawak
 • Kabuuan1,139.47 km2 (439.95 milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+01:00, UTC+02:00
Kodigo ng ISO 3166IT-VV
Plaka ng sasakyanVV
Websaythttp://www.provincia.vibovalentia.it/

Ang Lalawigan ng Vibo Valentia (Italyano: provincia di Vibo Valentia; Vibonese: pruvincia i Vibbu Valenzia) ay isang lalawigan sa rehiyon ng Calabria ng timog Italya, na itinatag ng isang pambansang batas noong Marso 6, 1992 na nagkabisa noong Enero 1, 1996, at dating bahagi ng Lalawigan ng Catanzaro.[1][2] Ang kabesera nito ay ang lungsod ng Vibo Valentia at ang kodigo ng plaka ng sasakyan nito ay VV.[3] Ang lalawigan ay may lawak na 1,139 square kilometre (440 mi kuw) (7.6% ng kabuuang ibabaw ng Calabria), at kabuuang populasyon na 168,894 (ISTAT 2005);[4] ang lungsod ng Vibo Valentia ay may populasyon na 35,405.[5] Mayroong 50 comune (komuna o munisipalidad) sa lalawigan,[6] tingnan ang talaan ng mga comune ng Lalawigan ng Vibo Valentia.

Noong Hunyo 2010 isang natutulog na bulkan ang natuklasan sa baybayin ng lalawigan sa linya ng fault na humantong sa 1905 na lindol sa Calabria.[7] Ito ay isang bulubunduking lalawigan at matatagpuan sa Dagat Tireno.[8]

Tignan din[i-edit | i-edit ang source]

Mga sanggunian[i-edit | i-edit ang source]

  1. "LEGISLATIVE DECREE March 6, 1992, n. 253". Normattiva. Nakuha noong 4 August 2015.
  2. "Vibo Valentia". Calabrian Genealogy. Nakuha noong 4 August 2015.
  3. "Province of Vibo Valentia". Comuni Italiani. Nakuha noong 4 August 2015.
  4. "Statistics". Upinet. Tinago mula sa orihinal noong 7 August 2007. Nakuha noong 4 August 2015.
  5. Domenico, Roy Palmer (2002). The Regions of Italy: A Reference Guide to History and Culture. Greenwood Publishing Group. pa. 50. ISBN 978-0-313-30733-1.
  6. "Statistics". Upinet. Tinago mula sa orihinal noong 7 August 2007. Nakuha noong 4 August 2015.
  7. "Nel Tirreno nuovo vulcano spento". ANSA. 21 June 2010. Nakuha noong 4 August 2015.
  8. "Vibo Valentia". Italia.it. Nakuha noong 4 August 2015.


Italya Ang lathalaing ito na tungkol sa Italya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.