Pumunta sa nilalaman

Lamarckismo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Lamarckismo o pagmamanang Lamarckian ang ideya na ang organismo ay maaaring magpasa ng mga katangian ng organismong ito na nakamit nito sa buong buhay nito sa mga supling nito. Ito ay kilala rin bilang pagmamana ng nakamit ng mga katangian o malambot na pagmamana. Ito ay ipinangalan sa biologong Pranses na si Jean-Baptiste Lamarck (1744–1829) na nagsama ng aksiyon ng malambot na pagmamana sa kanyang mga teoriyang ebolusyonoryo. Pagkatapos ng publikasyon ng teoriyang natural na seleksiyon ni Charles Darwin, ang kahalagahan ng mga pagsisikap ng mga indibidwal sa henerasyon ng pag-aangkop ay malaking nabawasan. Kalaunan, ang henetikang Mendelian ay pumalit sa nosyon ng pagmamana ng mga nakamit na katangian na kalaunang tumungo sa pagkakabuo ng modernong ebolusyonaryong sintesis at ang pangkalahatang paglisan sa teoriyang Lamarckian ng ebolusyon sa biolohiya. Sa kabila ng paglisan dito, ang interes sa Lamarckismo ay kamakailang tumaas dahil ang ilang mga pag-aaral sa larangan ng epihenetika ay nagbibigay diin sa posibleng pagmamana ng mga pang-pag-aasal na katangian na namana ng nakaraang henerasyon.

Teoriya ni Lamarck

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang ebolusyon ng mga leeg ang kadalasang ginagamit bilang halimbawa sa mga paliwanag ng Lamarckismo.

Isinama ni Lamarck ang dalawang mga ideya sa kanyang teoriya ng ebolusyon na sa kanyang araw ay itinuturing na pangkalahatang totoo:

  1. Paggamit at hindi paggamit – Ang mga indibidwal ay nawawalan ng mga katangian na hindi nito kinakailangan(o ginagamit) at nagpapaunlad ng mga katangian na magagamit.
  2. Pagmamana ng mga nakamit na katangian – Namamana ng mga indibidwal ang mga katangian ng mga ninuno nito.

Ang mga halimbawa ng tradisyonal na Lamarkismo ay kinabibilangan:

  • Paghatak ng mga giraffe ng mga leeg nito upang abutin ang mga dahon na mataas sa mga puno na nagpapalakas at unti unting nagpapahaba ng mga leeg nito. Ang mga giraffe na ito ay may mga supling na may katamtamang mas mahabang mga leeg(na kilala rin bilang malambot na pagmamana)
  • Ang isang panday sa pamamagitan ng trabaho nito ay nagpapalakas ng mga masel nito sa mga braso. Ang mga anak nitong lalake ay magkakaroon ng parehong pagunlad na pang-masel kapag tumanda na ang mga ito.

Isinaad ni Lamarck ang dalawang mga batas na ito:

  1. Première Loi. Dans tout animal qui n' a point dépassé le terme de ses développemens, l' emploi plus fréquent et soutenu d' un organe quelconque, fortifie peu à peu cet organe, le développe, l' agrandit, et lui donne une puissance proportionnée à la durée de cet emploi ; tandis que le défaut constant d' usage de tel organe, l'affoiblit insensiblement, le détériore, diminue progressivement ses facultés, et finit par le faire disparoître.
  2. Deuxième Loi. Tout ce que la nature a fait acquérir ou perdre aux individus par l' influence des circonstances où leur race se trouve depuis long-temps exposée, et, par conséquent, par l' influence de l' emploi prédominant de tel organe, ou par celle d' un défaut constant d' usage de telle partie ; elle le conserve par la génération aux nouveaux individus qui en proviennent, pourvu que les changemens acquis soient communs aux deux sexes, ou à ceux qui ont produit ces nouveaux individus.[1]

Salin:

  1. Sa bawat hayop na hindi nagpasa ng limitasyon ng pag-unlad nito, ang isang mas kadalasan at patuloy na paggamit ng anumang organo ay unti unting lumalakas, umuunlad at nagpapalaki ng organitong at nagbibigay ng isang kapangyarihan na proporsiyonal sa haba ng haba ng panahon na nagamit ito. Samantalang ang permanenteng hindi paggamit ng anumang organo ay hindi matatantong nagpapahina at nagbabawas nito at patuloy na nagbabawas ng kapasidad nitong pang-tungkulin hanggang sa ito ay kalaunang maglalaho.
  2. Ang lahat ng mga pagkakamit o kawalan na hinugis ng kalikasan sa mga indibidwal sa pamamagitan ng impluwensiya ng kapaligiran kung saan ang lahi nito ay matagal nang nailagay at kaya sa pamamagitan ng impluwensiya ng nananaig na paggamit o permanenteng hindi paggamit ng anumang organo; ang lahat ng mga ito ay napepreserba ng reproduksiyon sa mga bagong indibidwal na lumilitaw sa kondisyong ang mga nakamit na pagbabago ay karaniwan sa parehong mga kasarian o kahit papaano sa mga indibidwal na lumilikha ng supling. [2]

Sa esensiya, ang isang pagbabago sa kapaligiran ay nagdudulot ng pagbabago sa mga pangangailangan (besoins) na nagreresulta sa pagbabago sa pag-aasal na nagdadala ng pagbabago sa paggamit at pagunlad ng organo na nagdadala ng pagbabago sa paglipas ng panahon at kaya ay unti unting transmutasyon ng espesye.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Jean-Baptiste Lamarck Philosophie zoologique Naka-arkibo 2013-05-03 sa Wayback Machine. ch.7, p.235
  2. Jean-Baptiste Lamarck Zoological Philosophy trans. Hugh Elliot, 1914, p.113