Wikang Latin
Latin | |
---|---|
Latina | |
Bigkas | /laˈtiːna/ |
Katutubo sa | Kanlurang Mediteraneo |
Mga natibong tagapagsalita | Katutubo: wala Pangalawang wika: nasa 5,000 Pangalawang wikang nasusulat: nasa 25,000 |
Alpabetong Latin | |
Opisyal na katayuan | |
Lungsod ng Vaticano | |
Pinapamahalaan ng | Opus Fundatum Latinitas (Simbahang Katoliko) |
Mga kodigong pangwika | |
ISO 639-1 | la |
ISO 639-2 | lat |
ISO 639-3 | lat |
Ang Latin (lingua Latīna [ˈlɪŋɡʷa laˈtiːna] o Latīnum [laˈtiːnʊ̃]) ay isang wikang Indo-Europeo na unang sinalita sa Latium na katawagan sa lupain sa palibot ng Roma. Mahalaga ang ginampanan ng Latin bilang pangunahing wika ng Imperio Romano. Ito rin ang pinanggalingan ng lahat ng mga wikang Romanse kagaya ng (mula kanluran hanggang silangan) Portuges, Espanyol, Katalan, Pranses, Italyano, at Rumano. Makikita rin sa talasalitaan ng iba pang mga pangkasalukuyang wika kagaya ng Ingles (malimit dahil sa Pranses) at mga wika ng Pilipinas (dahil naman sa Kastila) ang maraming salitang hango sa Latin.
Ang alfabetong Latin ay hango sa sinaunang alfabetong Italico na siya namang hango sa alfabetong Griego; ito pa rin ang pinakaginagamit na alfabeto sa buong daigdig. Ginamit din ang Latin sa Kanluran sa loob ng mahigit 1000 taon bilang lingguwa prangka o wikang pantalastasan at para na rin sa panitikan sa agham at politika. Napalitan naman ito ng Pranses noong ika-18 siglo at ng Ingles noong ika-19 na siglo.
Sa kasalukuyan, ginagamit pa rin ang Latin sa pagsasauri ng mga nilalang, pagngangalan ng mga larangan at iba pang mga bagay na inaaral sa agham nang naaayon sa Kanluraning kagawian. Samantalang ang Lating Pamsimbahan (Latina Ecclesiastica) pa rin ang formal na wika ng Simbahang Katoliko at pangunahing wika ng Lungsod ng Vatikano. Ginamit ng Simbahan ang Latin bilang banal na wika magpahanggang Ikalawang Kapulungang Vatikano noong decada 1960.
Mga titik at tinig
[baguhin | baguhin ang wikitext]Narito ang isang talaan ng mga titik at tinig o fonema sa wikang Latin. Upang makatiyak, ginagamit na gabay sa pagbaybay ng bigkas ang IPA.
A (maikli) | [ʌ] | (tulad ng ‘talim’) |
A (mahaba) | [aː] | (tulad ng ‘akin’) |
AE | [aj] | (tulad ng ‘bigay’) |
B | [b] | (tulad ng ‘alab’) |
C | [k] | (tulad ng ‘anak’) |
CH | [kʰ] | (tulad ng katutubong bigkas ng Inggles na ‘cake’; bahagyang katulad ng sa ‘likha’) |
D | [d] | (tulad ng ‘dalisay’) |
E (maikli) | [ɛ] | (tulad ng ‘pera’) |
E (mahaba) | [eː] | (tulad ng karaniwang bigkas sa salitang Tagalog na ‘pare’, sa Frances na ‘été’, o sa Aleman na ‘Leben’) |
EI | [ej] | (tulad ng ‘Kankanaey’) |
EU | [ew] | (tulad ng ‘Europa’; malapit sa ‘ewan’) |
F | [f] | (tulad ng ‘Filipino’) |
G | [g] | (tulad ng ‘gawa’) |
GN | [ŋn] | (tulad ng ‘pangnakaraan’) |
H | [h] | (tulad ng ‘hawak’) |
I (maikli) | [ɪ] | (tulad ng ‘hapit’) |
I (mahaba) | [iː] | (tulad ng ‘kilos’) |
J | [j] | (tulad ng ‘yugto’)1 |
K | [k] | (tulad ng C; madalang gamitin sa Latin) |
L | [l] | (tulad ng ‘laro’) |
M | [m] | (tulad ng ‘madla’) |
N | [n] | (tulad ng ‘niyog’; bago ng C, G, o Q, bilang /ŋ/ ng ‘tangkay’) |
O (maikli) | [ɔ] | (tulad ng ‘Ano?’) |
O (mahaba) | [oː] | (tulad ng sa salitang Tagalog na ‘alimuom’, sa Frances na ‘eau’, o sa Aleman na ‘wo’) |
OE | [oj] | (tulad ng ‘Oy!’) |
P | [p] | (tulad ng ‘payak’) |
PH | [pʰ] | (tulad ng Inggles na ‘pit’) |
QU | [kʷ] | (medyo kasintulad ng ‘pakwan’) |
R | [ɾ] | (tulad ng ‘marami’) |
S | [s] | (tulad ng ‘sarap’) |
T | [t] | (tulad ng ‘talampas’) |
TH | [tʰ] | (tulad ng Inggles na ‘tin’; malapit sa “bathala’) |
U (maikli) | [ʊ] | (tulad ng ‘balut’) |
U (mahaba) | [uː] | (tulad ng ‘pusa’) |
V | [w] | (tulad ng ‘wari’) |
X | [ks] | (tulad ng ‘paksa’) |
Y (maikli) | [ʏ] | (tulad ng Frances na ‘tu’) |
Y (mahaba) | [yː] | (tulad ng Aleman na ‘übermensch’) |
Z | [z] | (tulad ng Inggles na ‘zoo’) |
Hindi ipinapakita sa pagbaybay ng Latin ang pagkakaiba ng maiikli at mahahabang patinig, ngunit sa makabagong baybay, maaaring lagyan ng makron (ā, ē, ī, ō, ū, ȳ) ang mahahabang patinig.
Para sa baybay ng Simbahang Katoliko ng Latin, tingnan ang Latin Eclesiastico.
1 Sa gitna ng dalawang patinig, dalawa ang bilang na ginagampanan ng titik J: isang katinig at isa ring bumubuo ng diptonggo kasama ng naunang patinig. Halimbawa (gamit ang baybay pambigkas sa Tagalog), major (/máy·yor/), cujus (/kwí·yus/), rejectus (/rey·yék·tus/).
Ilang halimbawa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Salita
[baguhin | baguhin ang wikitext]- tatay : pater
- nanay : mater
- ako : ego
- ikaw : tu
- parusa : multa
- diwata : nympha, diva
- bula : bulla
- kapit : aprehendere; capere
- sabon : sapo
- diyos : deus
- balat : cutis
- grabe : gravis
- sana : utinam
- isa : uno
- ito : iste
- tinapay : pan
- dalawa : duo
- tatlo : tri
- lima : quinque
- walo : octo
- pera : pecunia
- paa : pes
- pakiusap : si vobis; tibi placeat...
- mata : oculus
- tenga : auris
- ilong : nasus
- kamay : manus
- at : ac; et
- ngunit : at; sed
- kasi/dahil : quoniam; quod
- oo : ita
- o : aut
- hindi : non
- apoy : ignus
- tubig : aqua
- lupa : terra
- hangin : ventum
- salaysay/kasaysayan : historia
- usapan : recensere
- paanyaya : invitatio
- abuloy : donatio
- halamanan : hortum
- salamat : gratias
Pangungusap
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Aba! : Hercle!
- Magandang araw, kumusta? : Salve, ut vales?
- Saan ka pupunta? : Quo vadis?
- Sana dumating siya. : Utinam veniat is.
- Sana ay sinabi mo kaagad. : Utinam dixeris protinus.
- Veni vedi vici : Dumating ako, nakita ko, sinakop ko
- pax et bonum : kapayapaan at kabutihan
- Senatus Populusque Romanus (SPQR) : Senado ng Sambayanang Romano
- alea iacta est : ang sugal ay naitapon na
- Iesus Nazarenus Rex Iudaeorum (INRI) : Hesus Nazareno, Hari ng mga Hudyo
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Tala ng mga pariralang Latin
- Talaan ng mga pinaikling salitang pang-agham sa Latin
- Lating Pansimbahan
- Alpabetong Latin
- Romanisasyon
Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.