Lawa ng Venado
Lawa ng Venado | |
---|---|
Tinatanaw mula sa Bundok Apo | |
Lokasyon | Hilagang Cotabato |
Koordinado | 7°00′8.34″N 125°16′9.54″E / 7.0023167°N 125.2693167°E |
Uri ng Lawa | Endorheiko |
Mga bansang lunas | Pilipinas |
Pinakamalalim | 20 tal (6.10 m)[1] |
Pagkakaangat ng ibabaw | 2,194.56 m (7,200.00 tal)[2] |
Mga pamayanan | Lungsod ng Kidapawan |
Mga sanggunian | [2] |
Ang Lawa ng Venado ay isang endorheikong lawa na nasa paanan ng Bundok Apo sa lalawigan ng Hilagang Cotabato, Mindanao, Pilipinas.[3][4] Isa ito sa pinakamataas na lawa sa loob ng bansa,[5] na matatagpuan sa tugmaang pampook na 7°00′8″N 125°16′10″E,[6][7] na mayroong tinatayang pagkakaangat ng ibabaw na 7,200 mga talampakan (2,194 m sa ibabaw ng antas ng dagat). Ang lawa ay pinadadaluyan sa pamamagitan ng katutubo o lokal na pagtakas ng tubig at walang palabas na agos magmula sa lawa. Ang lawa ay karaniwang nawawalan ng dalawang ikatlo (2/3) ng sukat nito tuwing mga buwan ng tagtuyot dahil sa pagsingaw ng tubig (ebaporasyon).
Ang pangalan ng lawa ay nagmula sa salitang Kastilang "venado", na nangangahulugang "usa," dahil sa hugis na parang usa ng lawa.[8] Subalit, tinatawag ng mga katutubong tao na naninirahan sa pook ang lawa bilang "linaw", isang katagang Tagalog at Cebuano na may ibig sabihing "malinaw", dahil sa ang tubig ng lawa ay kasinglinaw ng kristal na nagpapaaninag ng ituktok ng Bundok Apo. Ang lawa ay pinaniniwalaang may engkanto o mayroong bumubulong na mga espiritung naninirahan sa lawa, ayon sa mga katutubong tribo ng mga tao.[8]
Ang paligid ng lawa ay isang tanyag na pook ng pagkakamping para sa mga mamumundok na mga Pilipino na papunta sa at iyong mga pababa na mula sa ituktok ng Bundok Apo, ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas. Noong 2007, isang mamumundok na Pilipinong bumababa magmula sa ituktok ng Bundok Apo ang nalunod sa lawa.[1][5][9][10][11]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 "Climber dies in Davao's 'enchanted' Mt. Apo lake". GMANews.TV. 2007-04-08. Nakuha noong 2008-10-16.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 "WOW Philippines - Kidapawan City". Department of Tourism. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-06-30. Nakuha noong 2008-10-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Davao City". Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-12-22. Nakuha noong 2008-10-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Region 12 travel attractions highlight of Travel Mart". Manila Times. 2007-08-15. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-10-08. Nakuha noong 2008-10-16.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 Magbanua, Williamor A. (2007-04-08). "Mountaineer drowns in Apo's Lake Venado". Mindanews. Nakuha noong 2008-10-16.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ "Lake Venado - Waypoints and Navigational Data". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-21. Nakuha noong 2008-10-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Tourist Attractions in Region 12". Regional Development Council - Region 12. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-06-05. Nakuha noong 2008-10-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 8.0 8.1 Ledesma, Hunyo (2008-04-11). "The lake in Mt. Apo". Sunstar. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-08-19. Nakuha noong 2008-10-16.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Tupas, Jeffrey M. (2007-04-19). "Tourism agency gets blame for Venado death". Sunstar. Nakuha noong 2008-10-16.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ "Davao: Mountaineer's Death a Blunder of DOT, PAMB". Davao Today. 2007-04-17. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-11-21. Nakuha noong 2008-10-16.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Chi, Angely Pamila M. (2007-04-25). "A Davao Mountaineer's Final Adventure". Davao Today. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-12-03. Nakuha noong 2008-10-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)