Pumunta sa nilalaman

Leo Echegaray

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Leo Echegaray
Kapanganakan11 Hulyo 1960
  • (Kalakhang Maynila, Pilipinas)
Kamatayan5 Pebrero 1999
MamamayanPilipinas

Si Leo Echegaray y Pilo (11 Hulyo 1960 - 5 Pebrero 1999) ay ang unang Pilipinong nabilanggo na nahatulan ng parusang kamatayan sa pamamagitan ng lethal injection noong 1999 makalipas ang 23 taon. Sa 23 taong iyon ay tinanggal sa batas ng Pilipinas ang death penalty. Ang kanyang kamatayan ay nagpasiklab ng isyu ukol sa parusang kamatayan sa Pilipinas.

Naakusahan ng panggagahasa si Echegaray sa kaniyang anak na babae na si Rodessa Echegaray (pinalayawang "Baby Echegaray") noong Abril 1994. Sumailalim siya sa paglilitis ng Regional Trial Court sa Lungsod ng Quezon noong 7 Setyembre 1994. Hinatulan siyang mamatay sa pamamagitan ng lethal injection ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas na nagpatibay ng hatol noong 25 Hunyo 1996. Humingi ng apila sa kaso si Echegaray ngunit hindi na ito tinanggap pa ng korte noong 19 Enero 1999.

Hindi pa nakalilipas ang isang buwan, dinala si Echegaray sa kanyang kamatayan noong 5 Pebrero 1999 mula sa New Bilibid Prison patungo sa lethal injection chamber sa Lungsod ng Muntinlupa. Ang mga sumaksi sa panahon ng pagbitay ay nagsabing ang kanyang mga huling salita ay: "Sambayanang Pilipino, patarawin ninyo ako sa aking kasalanan; Pilipino, pumatay ng kapwa Pilipino."[1]

  1. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-04-07. Nakuha noong 2008-07-17.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.