Leody de Guzman
Leody de Guzman | |
---|---|
Kapanganakan | Leodegario Quitain de Guzman 25 Hulyo 1959 Naujan, Oriental Mindoro, Philippines |
Nasyonalidad | Filipino |
Nagtapos | PMI Colleges |
Trabaho | Lider-manggagawa, aktibista |
Titulo | Chairman ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino |
Termino | 2018–kasalukuyan |
Partido | Partido Lakas ng Masa |
Asawa | Marieza Tolentino |
Anak | 3 |
Si Leodegario Quitain de Guzman (ipinanganak noong Hulyo 25, 1959), mas kilala bilang Ka Leody, ay isang Pilipinong lider-manggagawa at aktibista. Siya ay kasalukuyang Chairman ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino, at kandidato sa pagkapangulo ng Partido Lakas ng Masa sa nalalapit na halalang pampanguluhan sa Pilipinas, 2022.[1][2][3][4]
Mga unang taon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak si Leody sa Naujan, Oriental Mindoro, at doon lumaki.[5] Nag-aral siya sa Naujan Academy para sa sekondarya. Pagkatapos makagradweyt noong Marso 1976, at habang tinatapos niya ang kolehiyo sa PMI Colleges,[5][6] nagtrabaho siya sa isang pabrika ng Aris Phils Inc. na gumagawa ng mga guwanteng gawa sa katad para iluwas. Natapos niya ang kanyang kurso noong Oktubre 1983 na may antas sa Bachelor of Science in Customs Administration.
Nagsimula siya magkaroon ng interes sa aktibismo pagkatapos paslangin si Ninoy Aquino. Lumahok siya sa mga protesta at naging lider ng koalisyong Justice for Aquino, Justice for All (JAJA) ng Aris Phils.
Karera
[baguhin | baguhin ang wikitext]Naging organizer si Leody para sa Alyansa ng mga Manggagawa sa Pasig (ALMAPAS) mula 1984 hanggang 1990. Noong 1990, naihalal siya bilang delegado para sa rehiyonal na kongreso ng Kilusang Mayo Uno sa Metro Manila, at nahalal din bilang miyembro ng Regional Executive Council. Pagkatapos ng tatlong taon, ang nasyonal na liderato ng KMU at ang sangay nito sa Metro Manila ay nagkaroon ng mainit na pagtatalo sa taktika ng pagsulong ng kilusang manggagawa, at nagkahiwalay din kalaunan. Sumanib si Leody sa bagong nabuo na Bukluran ng Manggagawang Pilipino bilang isa sa mga tagapagtatag na miyembro, at nahalal bilang Deputy General Secretary.
Humalili siya kay Romy Castillo bilang General Secretary noong 1996, kasama si Filemon Lagman bilang Pangulo hanggang 1999, at Victor Briz bilang Pangulo hanggang 2005. Pinalitan naman niya si Briz bilang Pangulo at pinamunuan ang unyon hanggang Enero 2018, nang ibigay niya ang pagkapangulo kay Luke Espiritu at naging Chairman hanggang sa ngayon.
Maliban sa pagiging Chairman ng BMP, siya ay isa ring miyembro sa ngayon ng Board of Trustees sa human rights non-governmental organization na PhilRights, at Bulig Visayas, isa pang NGO na tumutulong sa nasalanta ng kalamidad. Siya rin ang kumakatawan sa bansa sa International Council of the International Center for Labor Solidarity (ICLS), at Bise Presidente ng Asia Regional Organization of Bank, Insurance and Finance Union (AROBIFU).
Personal na buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kasal si Leody kay Marieza Tolentino, at may tatlong anak: si Prolan, Lea, at Dexter. Nakatira siya ngayon sa Cainta, Rizal.
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Labor leader Leody de Guzman formalizes candidacy for president". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-10-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Labor leader Ka Leody to run for president in 2022". BusinessWorld (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-10-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ka Leody De Guzman accepts nomination for president in 2022 from labor groups". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-10-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Labor rights advocate Leody de Guzman files COC for Halalan 2022 presidential bid". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-10-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 "Leody de Guzman biography, education, advocacy, background". Kami (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-10-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "De Guzman, Leodigario "Ka Leody" (PARTIDO LAKAS NG MASA)". UP sa Halalan 2022 (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-10-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)