Leon Guerrero

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Leon Guerrero
Unang paglitaw Leon Guerrero: Laban sa 7 kilabot (1968)
Ginampanan ni Jess Lapid (1968)
Lito Lapid (1980-1982)
Kabatiran
Mga bansagManuel
KasarianLalaki
HanapbuhayKoboy

Si Leon Guerrero ay isang kathang-isip na tauhan sa pelikulang Pilipino na tinaguriang Lone Ranger ng Pilipinas.[1] Una lumabas ang karakter sa pelikulang Leon Guerrero: Laban sa 7 kilabot na nilabas ng ELK Productions[2] noong 1968 at ginampanan ni Jess Lapid.[3][4] Bagaman, tumatak kay Lito Lapid, pamangkin ni Jess, ang karakter nang ginampanan niya ito sa sumunod na mga pelikula.[5] Ang mga pelikulang ito ay Ang pagbabalik ni Leon Guerrero (1980)[6] at Alamat ni Leon Guerrero (1982).[7] Ang temang awitin sa mga pelikula ay sinulat ni Levi Celerio at inawit ni Fred Panipio.[8]

Balangkas ng karakter[baguhin | baguhin ang batayan]

Si Leon Guerero ay isang mangangabayo na lumalaban sa kasamaan at pinagtatanggol ang mga naapi.[9] Siya ay nakamaskara, may dalang latigo at may kasuotang koboy na parang si Lone Ranger. Sa pelikulang Leon Guerrero: Laban sa 7 Kilabot noong 1968, uminog ang kuwento ni Guerrero sa kuwento tungkol sa kanyang paghigante at paghanap ng katarungan para sa pagpatay ng pitong kilabot sa kanyang mahal sa buhay.[10] Naipalabas ang pelikula nang ilang buwan bago pinatay si Jess Lapid sa Lungsod Quezon.[11]

Pagkatapos ng ilang mga taon, ang pamangkin ni Jess na si Lito Lapid ay gumanap sa mga pelikulang tinampok ang karakter ni Leon Guerrero. Sa pelikulang Ang Pagbabalik ni Leon Guerrero, ginampanan ni Lito ang maamong si Manuel na laging tinutuksong duwag at ginugulpi ng ama.[8] Sa kalaunan, kinuha ni Manuel ang katauhang Leon Guerrero upang ipagsanggalan ang kanyang mga kababayan mula sa mga tulisan.[8]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Leon Guerrero paired with 'superhero horse'". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). 2012-09-13. Nakuha noong 2019-07-11.
  2. Liwayway (sa wikang Ingles). Liwayway Pub. 1968. pa. 86.
  3. Nakpil, Carmen Guerrero (2007). Legends and Adventures (sa wikang Ingles). Nilathala at ekslusibong pinapamahagi ng Circe Communications, Incorporated (Nakpil Pub.). pa. 65. ISBN 9789719376019.
  4. Leon Guerrero: Laban sa 7 kilabot (sa wikang Ingles), nakuha noong 2019-07-11
  5. "VIEWS FROM THE PAMPANG". viewsfromthepampang.blogspot.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-07-11.
  6. Ang pagbabalik ni Leon Guerrero (sa wikang Ingles), nakuha noong 2019-07-11
  7. Alamat ni Leon Guerrero (sa wikang Ingles), nakuha noong 2019-07-11
  8. 8.0 8.1 8.2 "Pinoy Pop Culture: Lito Lapid as Leon Guerrero". Pinoy Pop Culture (sa wikang Ingles). 2012-07-31. Tinago mula sa orihinal noong 2018-07-26. Nakuha noong 2019-07-11.
  9. Punzalan, Jamaine (2019-05-22). "Lito Lapid, ex-'Ang Probinsyano' star, is proclaimed senator". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-07-11.
  10. hughlockwood (2015-06-18). "Jess In The West: A Peek At Two Philippine Cowboy Movies". Melcore's CinePlex Blog (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-07-11.
  11. Video 48 (2008-01-14). "Video 48: THE LAPIDS AS LEON GUERRERO". Video 48 (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-07-11.