Levi Celerio
Levi Celerio | |
---|---|
Kapanganakan | 30 Abril 1910 |
Kamatayan | 2 Abril 2002 | (edad 91)
Nasyonalidad | Pilipino |
Kilala sa | mga komposisyon, pagtugtog sa dahon |
Larangan | Musika at Panitikan |
Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas | |
Musika at Panitikan 1997 |
Si Levi Celerio (Abril 30, 1910 – Abril 2, 2002) ay isang Pilipinong kompositor. Siya ay nakasulat ng mahigit na 4,000 mga awiting Pilipino na pambayan, pamasko at pag-ibig na ginamit sa mga pelikula. Kasali siya sa Guinness Book of Records dahil sa pagtugtog niya sa pamamagitan ng dahon.
Siya ay ipinanganak noong 1912 sa Tondo, Maynila. Una siyang gumanap sa pelikulang Rosalinda ng PAM Pictures. Sinundan iyon ang pelikula nina Jaime dela Rosa at Prescilla Cellona na pinamagatang Sa Paanan ng Nazareno. Napasama rin siya sa pinakamalaking pelikula ng LVN Pictures, ang Casa Grande.
Siya ay ginawaran ng titulong Pambansang Alagad ng Sining sa Musika at Panitikan noong 1997 ni Pangulong Fidel Ramos, na kinilala siya na isang Kompositor at Prolifikong Lyricista bilang tunay na kaganapan sentimientong makapuso ng sambayanang Pilipino.
Pelikula
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 1952 - Rosalinda
- 1952 - Sa Paanan ng Nazareno
- 1958 - Casa Grande
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.