Francisco Mañosa
Francisco Mañosa | |
---|---|
![]() | |
Kapanganakan | 12 Pebrero 1931 Maynila, Pilipinas |
Kamatayan | 20 Pebrero 2019 Muntinlupa, Pilipinas | (edad 88)
Nasyonalidad | Filipino |
Nagtapos | Unibersidad ng Santo Tomas |
Parangal | ![]() |
Kadalubhasaan/Kasanayan | manosa.com |
Mga gusali | Coconut Palace, EDSA Shrine |
Si Francisco "Bobby" Tronqued Mañosa (12 Pebrero 1931 – 20 Pebrero 2019) ay isang arkitektong Pilipino na itinuturing na isa sa mga pinaka-maimpluwensyang arkitektong Pilipino sa ika-20 siglo para sa pangunguna sa sining ng arkitekturang neovernacular ng Pilipinas.[1][2] Ang kanyang mga ambag sa pag-unlad ng arkitektura ng Pilipinas ay humantong sa pagkilala sa kanya bilang isang Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas para sa Arkitektura noong 2018.[3][4]
Bukod sa pagkilala sa kanya bilang arkitekto ng Coconut Palace sa Maynila,[5] kabilang rin sa kanyang mga kilalang gawa ang Dambana ng EDSA sa Lungsod Quezon, ang Parokya ng Maria Imakulada (Nature's Church o Simbahang Kalikasan) sa Las Piñas, ang Davao Pearl Farm, at ang Amanpulo Resort sa Palawan.[6]
Inialay ni Mañosa ang kanyang buhay sa paglikha ng pagkakakilanlang Pilipino sa larangan ng arkitektura, pagtataguyod ng mga design philosophy na bumabalik sa bahay kubo at sa bahay na bato, at iba pang tradisyunal na istrukturang katutubo.[7] Nakilala si Mañosa sa paghahalo ng mga tradisyunal na anyo at katutubong materyales sa modernong teknolohiya upang makalikha ng mga istruktura na sa tingin niya ay angkop sa tropikal na klima ng Pilipinas.[6][8][9]
Talambuhay[baguhin | baguhin ang wikitext]
Kapanganakan at edukasyon[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ipinanganak si Mañosa sa Maynila noong Pebrero 12, 1931. Lumaki sa isang magiliw na kapitbahayan si Mañosa sa kalye ng Azcarraga (na kalaunan ay pinalitan ng pangalan bilang Abenida Recto ).[10] Ang kaniyang mga magulang ay sina María Tronqued, isa sa mga unang artista ng Pelikulang Pilipino, at Manuel Mañosa Sr., isang sanitary engineer na nakapagtapos sa Pamantasang Harvard na direktor ng Sistema ng Patubig at Alkantarilya sa Kalungsuran-Tanggapang Pangkorporasyon mula 1947 hanggang 1955.[10]
Tinaguriang "Bobby" sa istilong hango mula sa mga Amerikano, tumutugtog si Mañosa ng jazz piano at noong una ay nagnanais siya na magkaroon ng karera sa musika, ngunit nag-aral ng arkitektura sa Unibersidad ng Santo Tomas sa pagpilit ng kanyang ama.[10]

Karera[baguhin | baguhin ang wikitext]
Kilala si Mañosa sa kanyang adbokasiya na isulong ang arkitekturang neovernacular ng Pilipinas. Kasama sa kanyang design aesthetic ang mga Pilipinong design motif at mga lokal na materyales tulad ng niyog at mga lokal na hardwood.[3]
Gumugol ng isang taon sa Hapon si Mañosa kaagad pagkatapos ng kanyang pagtatapos sa kolehiyo dahil iginiit ng kanyang ama na gumugol siya ng "kahit isang taon sa isang lugar sa mundo". Pinili ni Mañosa na pumunta sa bansang Hapon, na siyang naging inspirasyon din ng arkitektong si Frank Lloyd Wright.[1] Siya ay nabighani sa paraan na ang arkitektura ng Hapon ay sumasalamin sa kabuuan ng disenyo na iginuhit mula sa kultura ng Hapon, hindi alintana kung gaano kahusay ang gusali, o kung ito ay tradisyonal o moderno. Kinuwento ng kanyang asawang si Denise, na pinakasalan niya sa panahong ito, na ang karanasang ito ay nagbigay inspirasyon kay Mañosa na ipapatuloy ang isang design aesthetic na may katulad na kabuuan na sumasalamin sa kulturang Pilipino.[11]
Mga gawa[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga simbahan[baguhin | baguhin ang wikitext]
- St. Joseph Church (Las Pinas)
- World Youth Day Papal Altar
- Mary, Mother of God Parish (Muntinlupa)
Residensiyal[baguhin | baguhin ang wikitext]
- Mañosa Residence (Ayala Alabang)
- Arnaiz Residence
- Cahaya "The Sanctuary"
- Diego Cerra Homes
- Floirendo Residence
- Hoffmann Residence
- Hofileña Residence
- Pabahay - Bayanihan
- Pabahay -PNP
- Valenciano Residence
- The Astley Residence - Timberland Heights
Komersiyal[baguhin | baguhin ang wikitext]
- Eagle Ridge Building
- JMT Corporate Center
- The New Medical City (itinayo noongg 2002)
- Nielson Towers (Makati)
- Saztec Building
- Sulo Restaurant
Institusiyonal[baguhin | baguhin ang wikitext]
- Aquino Center
- Ateneo Education Building
- Ateneo Professional Schools
- Bamboo Mansion
- Centro Escolar University
- Coconut Palace
- Corregidor Island War Memorial
- Environmental Research Center
- Elsie Gatches Village
- Lanao del Norte Provincial Capitol
- Learning Child
- Philippine Friendship Pavilion
- St. Andrew's School (Parañaque)
Iba pa[baguhin | baguhin ang wikitext]
- Mga estasyon ng Unang Linya ng Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila
- Kawa ng Palaro ng Timog Silangang Asya 2019 (hulig proyekto ni Arkitekto Bobby Manosa)
Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]
- ↑ 1.0 1.1 Caruncho, Eric (15 Pebrero 2017). "Mañosa at National Museum: The Filipino artist who should have been National Artist". Philippine Daily Inquirer (sa Ingles). Nakuha noong 24 Oktubre 2018.
- ↑ Caruncho, Eric S. (29 March 2018). "Bobby Mañosa: The autumn of the architect". The Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 23 October 2018.
- ↑ 3.0 3.1 Zulueta, Lito B. (24 October 2018). "7 new national artists to be proclaimed Wednesday". The Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 24 October 2018.
- ↑ Placido, Dharel. "Palace names new national artists". ABS-CBN News. Nakuha noong 24 October 2018.
- ↑ Lico, Gerard (2003). Edifice Complex: Power, Myth, and Marcos State Architecture. Ateneo University Press. ISBN 9789715504355.
- ↑ 6.0 6.1 Caruncho, Eric S. (29 March 2018). "Bobby Mañosa: The autumn of the architect". The Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 23 October 2018.
- ↑ Dayao, Dodo (21 Pebrero 2019). "A Tribute: National Artist For Architecture Francisco "Bobby" Mañosa Has Died At 88". Metro (sa Ingles). Nakuha noong 25 Abril 2023.
- ↑ Sorilla IV, Franz (21 Pebrero 2019). "Remembering National Artist for Architecture Francisco Mañosa". Tatler Asia (sa Ingles). Nakuha noong 9 Marso 2023.
- ↑ Carucho, Eric (20 Pebrero 2019). "Francisco "Bobby" Mañosa, tireless champion of modern Filipino architecture". Philippine Daily Inquirer (sa Ingles). Nakuha noong 9 Marso 2023.
- ↑ 10.0 10.1 10.2 Caruncho, Eric S. (15 February 2017). "Mañosa at National Museum: The Filipino artist who should have been National Artist". Nakuha noong 24 October 2018.
- ↑ Jaucian, Don (21 Hunyo 2017). "One man's quest to define 'Filipino architecture'". CNN Philippines (sa Ingles). Nakuha noong 5 Setyembre 2023.