Pumunta sa nilalaman

Fides Cuyugan-Asensio

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Fides Cuyugan-Asensio
Si Fides Cuyugan-Asensio noong 2022
Kapanganakan
Fides Cuyugan
NasyonalidadPilipino
LaranganMusika
Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas

Musika
2022

Si Fides Cuyugan-Asensio ay idineklarang Pambansang Alagad ng Sining sa musika noong 2022. Siya ay isang guro, mang-aawit sa opera, aktres sa teatro at pelikula at librettist.[1][2]

Unang yugto ng buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinanganak si Fides Cuyugan noong 1 Agosto 1931 sa lalawigan ng Quezon. Ang kanyang ama ay si Gervasio Santos Cuyugan.[3][4]

Noong 1951 ay natamo ni Fides Cuyugan-Asensio ang bachelor’s degree sa musika na may major sa boses at minor sa piano mula sa Philippine Women’s University.[5]

Nakuha ni Fides Cuyugan-Asensio sa Curtis Institute of Music sa Philadelphia, Pennsylvania sa Estados Unidos noong 1955 ang artist’s diploma na may major sa boses.[5] Siya ang unang Pilipinong iskolar sa boses.[1]

Nagturo si Fides Cuyugan-Asensio sa Kolehiyo ng Musika sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman sa Departamento ng Boses, Musikang Pang-teatro at Sayaw. Pinamunuan din niya ang departamento bilang chairperson nito simula 1988 hanggang 1997 kung kailan siya ay nagretiro. Iginawad kay Fides Cuyugan-Asensio ng Unibersidad ng Pilipinas ang titulong professor emeritus sa boses noong 1997.[5]

Umawit si Fides Cuyugan-Asensio bilang coloratura soprano at kasama sa mga unang pagtatanghal ng mga Pilipinong opera na gaya ng "Mapulang Bituin" at "Kasilag's Dularawan" na gawa ni Ramon Santos. Siya rin ang nagbigay ng boses sa tauhang si Sisa sa "Noli Me Tangere" ni Felipe de Leon noong mga dekada 1950 at 1960.[1]

Nagdirek din siya ng mga produksiyon ng ilang Pilipino at banyagang opera. Isa sa mga paborito niya ay ang kanyang ginawang opera na may titulo na "Mayo Bisperas ng Liwanag" na ang pinagkuhanan niya ng inspirasyon ay ang maikling kwento ni Nick Joaquin na may titulong "May Day Eve".[1]

Binuo niya ang Music Theater Foundation of the Philippines noong 1986 na isang hindi kumikita (non-profit) na organisasyon para sa promosyon at produksyon ng mga teatrong pang-musikal at nagbibigay ng mga scholarship sa mga classical performers na kabataan.[5]

Mga parangal na natanggap

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Idineklarang Pambansang Alagad ng Sining sa musika si Fides Cuyugan-Asensio noong 10 Hunyo 2022 sa bisa ng Proklamasyon Bilang 1390.[2]

Natanggap din niya ang Gawad CCP para sa Sining Award noong 2015 at ang PAMA-AS Gintong Award for the Musical Arts noong 2005 ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at Sining.[5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 "Nat'l Artist for Music Fides Cuyugan-Asensio grateful for recognition but laments uphill battle in PH opera scene". CNN Philippines. Cable News Network Warner Media Company. June 24, 2022. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobiyembre 29, 2022. Nakuha noong November 29, 2022. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  2. 2.0 2.1 "Proclamation No. 1390 Declaring Agnes D. Locsin, Salvacion Lim-Higgins (Posthumous), Marilou Diaz-Abaya (Posthumous), Ricardo "Ricky" Lee, Nora Cabaltera Villamayor, Gemino H. Abad, Fides Cuyugan-Asensio, And Antonio "Tony" Mabesa As National Artists For 2022" (PDF). Official Gazette. Republic of the Philippines. Hunyo 10, 2022. Nakuha noong Nobyembre 29, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  3. Pangilinan, Ching (Hulyo 17, 2022). "A homecoming for a Star". SunStar/Pampanga. SunStar Publishing Inc. Nakuha noong 29 Nobyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Legaspi, John (Hunyo 14, 2022). "Get to know the Philippines' 8 new National Artists". Manila Bulletin Lifestyle News. Manila Bulletin. Nakuha noong 29 Nobyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 5.4 Sanvictores Jr., Benito V. (Hunyo 16, 2022). "UPD has 5 new National Artists". University of the Philippines Diliman. UP Diliman Information Office. Nakuha noong 29 Nobyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)