Agnes Locsin
Agnes D. Locsin | |
---|---|
Kapanganakan | Agnes D. Locsin September 28, 1957 |
Nasyonalidad | Pilipino |
Parangal | Pambansang Alagad ng Sining, |
Larangan | Sayaw |
Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas | |
Sayaw 2022 |
Si Agnes Dakudao Locsin (September 28, 1957) ay isang guro, direktor, at koreograper na idineklara na isang Pambansang Alagad ng Sining noong 2022 sa larangan ng sayaw ni Pangulong Rodrigo Duterte.[1] Kilala siya sa kanyang mga gawa na nagsusulong ng neo-etniko na koreograpiya sa ballet.[2][3]
Unang yugto ng buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak si Agnes Locsin noong September 28, 1957 ni Carmen Dakudao Locsin sa Lungsod ng Davao.[4][2]
Edukasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nakamtan ni Agnes Locsin ang Batsilyer ng Sining sa Ingles sa Unibersidad ng Ateneo de Davao at ang Paham ng Sining sa Unibersidad ng Estado ng Ohio (Ohio State University) sa Estados Unidos.[2]
Propesyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagturo si Agnes Locsin sa Cultural Center of the Philippines Dance School, Unibersidad ng Pilipinas, at Jazz Tap Center[4]. Naging Artistic Director siya ng Ballet Philippines ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas mula 1989 hanggang 1999.[2]
Nagsimulang maging Artistic Director si Agnes Locsin ng Locsin Dance Workshop, na itinatag ng kanyang ina sa Lungsod ng Davao Davao City, matapos niyang tapusin ang kanyang pag-aaral sa Estados Unidos.[5] Dito ay sinimulan niyang magkaroon ng summer workshop noong 1982.[6]
Mga nagawa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kabilang ang "Babaylan", "Taong Talangka", "Salome", "Igorot", at "La Revolucion" sa mga nagawa ni Agnes Locsin.[4] Noong 1993 ay nanalo ang "Babaylan" ng pangalawang pwesto sa Tokyo International Choreography Competition.[4][2]
Nag-akda ng isang libro si Agnes Locsin na pinamagatang "Neo-Ethnic Choreography: A Creative Process".[4] Ito ay nanalo ng Alfonso T. Ongpin Prize for Best Book on Arts sa 32nd National Book Award.[4]
Mga parangal na natanggap
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kasama sa mga karangalang natamo ni Agnes Locsin ay ang Hiyas ng Lahi noong 1992 na nagmula sa Dance Alliance Endeavors; ang Patnubay sa Kalinangan at Sining noong 1994 na iginawad ng Lungsod ng Maynila; ang Datu Bago noong 2000 na iginawad ng Lungsod ng Davao; ang Pilak Award para sa Serbisyong Pangkultura, Sining at Komunidad noong 2004 na ibinigay ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (Cultural Center of the Philippines); ang Gawad Buhay na mula sa Philstage para sa natatanging produksyon at orihinal na koreograpiya ng "La Revolucion Filipina" noong 2008 at para sa "Encantada" noong 2011; ang Gawad CCP para sa Sining noong 2013 na iginawad ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas; ang Gawad Tanglaw Lahi noong 2014 na mula sa Unibersidad ng Ateneo de Manila; ang Daigler Award para sa Kultura at Sining ng Mindanao noong 2017 na iginawad ng Unibersidad ng Ateneo de Davao; ang Gawad Buhay Lifetime Achievement Award noong 2018 na ibinigay ng Philstage; at ang Gador Award noong 2020 mula sa Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining.[4]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Proclamation No. 1390 Declaring Agnes D. Locsin, Salvacion Lim-Higgins (Posthumous), Marilou Diaz-Abaya (Posthumous), Ricardo "Ricky" Lee, Nora Cabaltera Villamayor, Gemino H. Abad, Fides Cuyugan-Asensio, And Antonio "Tony" Mabesa As National Artists For 2022". Official Gazette. Republic of the Philippines. Hunyo 14, 2022. Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Agosto 2022. Nakuha noong 17 Nobyembre 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 "Agnes Dakudao Locsin: 6th Mindanawon National Artist (Dance)". Mindanao Development Authority. Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Oktubre 2022. Nakuha noong 23 Nobyembre 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Vargas, Kazandra; Sanares, Summer (Setyembre 6, 2022). "National Artist for Dance Agnes Locsin is more than a just Davaoeña danseuse; she is the embodiment of grit and persistence". The LaSallian. The LaSallian. Nakuha noong 23 Nobyembre 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 4.5 4.6 "Order of National Artists: Agnes Locsin". National Commission for Culture and the Arts. Republic of the Philippines. Nakuha noong 22 Nobyembre 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ Llemit, Ralph Lawrence G. (Hunyo 12, 2022). "Agnes Locsin declared as National Artist for Dance". SunStar. SunStar Publishing Inc. Nakuha noong 23 Nobyembre 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Tariman, Pablo A. (Hulyo 8, 2023). "Agnes Locsin on surviving challenges on teaching dance". Vera Files. Vera Files. Nakuha noong 23 Nobyembre 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)