Pumunta sa nilalaman

Manuel Conde

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Manuel Conde
Kapanganakan
Manuel Urbano

9 Oktubre 1915(1915-10-09)[1]
Kamatayan11 Agosto 1985(1985-08-11) (edad 69)
Maynila, Pilipinas
TrabahoArtistar, direktor at prodyuser
Aktibong taon1930–1984
Parangal Orden ng Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas

Si Manuel Conde (ipinanganak Manuel Urbano; Oktubre 9, 1915 in Daet, Camarines Norte – Agosto 11, 1985) ay isang artista, direktor at prodyuser mula sa Pilipinas. Bilang isang aktor, ginamit niya ang pangalang pang-entablado na Juan Urbano noong dekada 1930 maliban sa mas popular na pangalang pang-entablado niya.

Maagang karera

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Unang siyang lumabas sa pelikula noong 1935 sa Mahiwagang Biyolin. Nakagawa siya ng halos tatlong dosenang pelikula sa ilalim ng LVN Pictures bilang bituing nakakontrata.

Kalaunang karera

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagtayo siya kalaunan ng kanyang sariling kompanyang pampelikula, ang Manuel Conde Pictures, noong 1947 na gumawa ng mga klasikong pelikula, pinakakilala ang mga seryeng Juan Tamad (Si Juan Tamad (1947), Si Juan Daldal (Anak ni Juan Tamad) (1948), Juan Tamad Goes to Congress (1959), Juan Tamad Goes to Society (1960), at Si Juan Tamad At Juan Masipag sa Pulitikang Walang Hanggan (1963)). Kabilang sa iba pang pelikula na prinodyus, dinirehe at pinaggampanan niya ang Vende Cristo (1948), Prinsipe Paris (1949), Krus Na Kawayan (1956), Siete Infantes de Lara (1950) at ang muling paggawa nito noong 1973, Molave (1961) at ang pang-internasyunal na kilalang pelikula na Genghis Khan (1950).

Kamatayan at pamana

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Namatay si Manuel Conde noong 1985 sa Maynila, Pilipinas. Noong 2006, nagawaran siya Pampangulong Medalya ng Merito ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo para sa kanyang kontribusyon sa kalinangan at sining. Noong Disyembre 26, 2007, inihayag ng Film Academy of the Philippines (FAP) ang mga nanalo sa ika-25 anibersaryong presentasyon ng Luna Award bago ang aktuwal na parangal sa Club Filipino, Lungsod ng San Juan noong Disyembre 27. Iginawad ang Lamberto Avellana Memorial Award kay Manuel Conde at Vic Silayan.[2]

Pansariling buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Anak ni Conde si Jun Urbano na naging artista, direktor at prodyuser din.

  • 1935 - Mahiwagang Biyolin
  • 1939 - Sawing Gantimpala
  • 1939 - Binatillo
  • 1940 - Maginoong Takas
  • 1940 - Villa Hermosa
  • 1940 - Ararong Ginto
  • 1941 - Hiyas ng Dagat
  • 1941 - Prinsipe Tenoso
  • 1941 - Ibong Adarna
  • 1946 - Orasang Ginto
  • 1946 - Doon Po sa Amin
  • 1946 - Alaala Kita
  • 1946 - Ang Prinsipeng Hindi Tumatawa
  • 1947 - Nabasag ang Banga
  • 1947 - Si Juan Tamad
  • 1948 - Juan Daldal
  • 1948 - Vende Cristo
  • 1949 - Caviteno
  • 1949 - Prinsipe Paris
  • 1950 - Siete Infantes de Lara
  • 1950 - Genghis Khan
  • 1950 - Apat na Alas
  • 1951 - Sigfredo
  • 1951 - Satur
  • 1953 - Senorito
  • 1955 - Ang Ibong Adarna
  • 1955 - Pilipino Kostum No Touch
  • 1955 - Ikaw Kasi
  • 1956 - Handang Matodas
  • 1956 - Krus na Kawayan
  • 1957 - El Robo
  • 1957 - Basta Ikaw
  • 1957 - Tingnan Natin
  • 1958 - Casa Grande
  • 1958 - Venganza
  • 1959 - Juan Tamad Goes to Congress
  • 1960 - Juan Tamad Goes to Society
  • 1960 - Bayanihan
  • 1961 - Molave
  • 1963 - Si Juan Tamad at Juan Masipag sa Politikang Walang Hanggan
  • 1977 - Tadhana: Ito ang Lahing Pilipinopre

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Tiongson, Nicanor (2008). The Cinema of Manuel Conde. Manila: UST Publishing House (sa Ingles)
  2. Kasal, Kasali, Kasalo bags six of 12 Luna Awards. GMA NEWS.TV (sa Ingles)