Guillermo Tolentino
Guillermo Tolentino | |
---|---|
Kapanganakan | Guillermo Estrella Tolentino 24 Hulyo 1890 |
Kamatayan | 12 Hulyo 1976 | (edad 85)
Nasyonalidad | Pilipino |
Larangan | Iskultura |
Pinag-aralan/Kasanayan | Pamantasan ng Pilipinas, Paaralan ng Sining Beaux, Regge Istituto di Belle Arti |
Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas | |
Sining Biswal 1973 |
Si Guillermo Estrella Tolentino ay isang batikang iskultor at guro ng Pilipinas. Kaibigan siya ng pintor na si Fernando Amorsolo.[1]
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak si Tolentino noong Hulyo 24, 1890 sa Malolos, Bulakan kay Isidro Tolentino at Balbina Estrella. Siya ay mag-aaral ni Gng. H. A. Bordner na siyang unang nagturo sa kanya ng pagguguhit sa Paaralang Intermedyaryo ng Malolos. Nagtapos siya ng mataas na paaralan sa Mataas na Paaralan ng Maynila. Dahil sa kanyang sariling pagsisikap, nakapagtapos siya ng kurso ng pinong sining sa Pamantasan ng Pilipinas noong 1915. Lumakbay papuntang Mga Nagkakaisang Estado noong 1919 at pinagkalooban siya ng iskolarsyip ni Bernard Baruch, isang Amerikanong milyonaryo sa Paaralan ng Sining Beaux, Lungsod ng Bagong York at tinapos niya na may mga gawad noong 1921. Sa taong din iyon, lumakbay siya sa Europa, pumupunta sa mga tanyag na museo at galerya sa Londres at Paris. Noong 1922, siya ay pumasok sa Regge Istituto di Belle Arti, nakapagtapos ng pag-aaral nang bahagya sa pamamagitan ng lingap ng kolonyang Italyanong sa Maynila. Sa Roma, gumanap ang kanyang unang pang-isahang eksibisyon kung saan kabilang ang Saluto Romano (Saludong Romano). Sa paligsahang pang-iskultura na ginanap sa Lungsod ng Walang Hanggan, ang kanyang Apat na Mangangabayong Apokalipsis na napanalunan niya ng ikalawang gantimpala. Umuwi sa Pilipinas noong 1924 at nagsarili sa loob ng isang taon. Noong 1926, siya ay inatasan bilang guro sa Paaralan ng Pinong Sining ng Pamantasan ng Pilipinas at kinalaunang naging propesor, kalihim, at sa huli tagapamahala. Namuno siya ang Paaralan mula sa 1953 hanggang sa kanyang pagreretiro bilang Emeritong Propesor noong 1955. Noong 1932, siya'y lumagay sa tahimik kay Paz Raymundo at nagkaroon ng pitong anak.
Mga likha
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nakilala si Tolentino sa buong bansa nang dahil sa Monumento ni Bonifacio na may maraming pigurang kasinlaki ng tao na dinisenyo noong 1930 at inilantad noong 1933. Nakapaglikha din siya ng iba pang mga tanyag na bantayog tulad ng mga Oblasyon ng Pamantasan ng Pilipinas, ang bantayog ni Pangulong Ramon Magsaysay sa bulwagang pasukan ng GSIS, at ang Luwalhati ng Pamantasan ng Silangan.
Nakapaggawa rin siya ng mga maraming rebulto ni Lapulapu, Antonio Luna, Gregorio del Pilar, Jose Rizal, Manuel Quezon, Epifanio de los Santos, A.V.H Hartendorp, Fernando Amorsolo, Carlos P. Romulo, Jose Cojuangco, Manuel Roxas, Jaime at Sofia de Veyra.
Kinumpleto niya ang ugnay-ugnay ng anim na pansilangang mananayaw, kabilang ang mananayaw na pambibliya na si Salome, Maria Clara, Persyana, Havanesa, at mga mananayaw Tsino. Nakagawa siya ng pigurang alegorika tulad ng mga Pilipina, tinatawag din Alipin, isang pigura ng babaeng hubad na nakagapos ng mga guyuran. Nakagawa rin siya ng mga imaheng panrelihiyon, tulad ng Imakuladang Konsepsyon at ang Madona at ang Bata. Dinisenyo niya ang Gawad Maria Clara para sa pelikula, at iba pang mga tropeo at medalya.
Ang pagkilala
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isang produkto ng pampaaralang pinamulihanang naayon sa nakapamihasnan, Si Tolentino ay isang kampeon ng klasisismo.
Mula Hulyo hanggang Oktubre 1948 sa Magasing Sunday Times at sumunod sa This Week, kinasundo niya si Victorio Edades sa isang pagtatalo sa pagsusulat sa klasikal at makabagong aestetika, tumutuligsa sa 'pagpalipit' at muling pagsasandata ng halaga ng sining na naayon sa nakapamihasnan. Bagama't ang pagsasanay ni Tolentino ay klasikal, ang kanyang mga likha ay lumalagos ng palaibig na kakayahang makadama na namamayani ang Kanluraning daigdig mula sa unang ika-19 na siglo hanggang sa dekadang 20. Kaya, ang kanyang mga likha ay nakatuon na may damdamin, lalung-lalo na may pagkamakabansa mula't sapul na siya'y marubdob na Rizalista.
Isa rin siyang gitarista, espiritista, at tagapagsaling-wika. Nakapagsulat siya ng lumang baybaying Tagalog at gumagawa ng libreto para sa opera ng Noli Me Tangere ni Felipe Padilla de Leon.
Mga parangal
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Gawad Iskultura ng Taon (Linangan ng mga Arkitekto ng Pilipinas) (1955)
- Gawad ng Merito (Komisyon ng Mga Nagkakaisang Bansa ng Pilipinas) (1959)
- Gawad Rizal na Maka-Patria (1961)
- Gawad Patnubay ng Sining at Kalinangan para sa Iskultura (Lungsod ng Maynila) (1963)
- Gawad Pamanang Pangkultura ng Republika (1967)
- Medalya ng Merito ng Pangulo (1970)
- Gawad Diwa ng Lahi (1972)
- Pambansang Alagad ng Sining para sa Sining Biswal (Iskultura) (1973)
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Ocampo, Ambeth. Amorsolo's Brush with History, Lopez Memorial Museum, Eugenio Lopez Memorial Foundation, LopezMuseum.org.ph, 2003, pahina 3 Naka-arkibo 2008-03-05 sa Wayback Machine., kinuha noong: Agosto 1, 2007
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Maikling Sanaysay ni Guillermo Tolentino - NCCA Naka-arkibo 2009-08-13 sa Wayback Machine.
- Guillermo Tolentino, tubong Bulakan Naka-arkibo 2008-09-17 sa Wayback Machine.
- Mga Daliring May Damdamin Naka-arkibo 2008-09-24 sa Wayback Machine.
- Guillermo Tolentino, Pambansang Alagad ng Sining - Kulay-Diwa Naka-arkibo 2008-09-15 sa Wayback Machine.