Pumunta sa nilalaman

Amelia Lapeña-Bonifacio

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Amelia Lapeña-Bonifacio
Kapanganakan
Amelia Lapeña

Abril 4, 1930
KamatayanDisyembre 29, 2020
NasyonalidadPilipino
LaranganTeatro
Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas

Teatro
2018

Si Amelia Lapeña-Bonifacio (Abril 4, 1930 - Disyembre 29, 2020) na kilala sa taguring “Grand Dame of Southeast Asian Children’s Theater” ay idineklarang Pambansang Alagad ng Sining sa teatro noong 2018. Siya ay gumagawa ng dula, direktor sa teatro, pintor, guro at nagdidisenyo ng mga set at papet (puppet).[1][2]

Unang yugto ng buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinanganak si Amelia Lapeña-Bonifacio noong Abril 4, 1930 sa Binondo, Maynila.[3] Ikinasal siya kay Manuel Flores Bonifacio.[2]

Nagtapos ng AB English si Amelia Lapeña-Bonifacio sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1953. Naging iskolar siya ng Fulbright-Smith Mundt at nakuha ang Master of Arts sa Speech and Theatre Arts sa Unibersidad ng Wisconsin-Madison noong 1958.[2][3]

Si Amelia Lapeña-Bonifacio ay naging propesor at miyembro ng Board of Advisors ng College of Arts and Letters– Institute of Creative Writing ng Unibersidad ng Pilipinas.[4]

Nakilala si Amelia Lapeña-Bonifacio sa pagsasama-sama ng puppetry, pangbatang literatura, alamat at teatro.[5] Itinatag niya ang UP Teatrong Mulat ng Pilipinas na isang samahang pang-teatro na nakasentro sa mga bata at puppetry.[4] Siya ay nakagawa ng sampung libro, labing-anim na mga dula, tatlungpu na dula para sa mga bata at nakapagpalimbag sa Philippine Journal of Education ng mahigit sa isangdaan at tatlongpu na maikling kwento para sa mga bata.[2] Ilan sa mga nagawa niyang dula na naging tanyag ay ang “Sita & Rama: Papet Ramayana” na itinanghal sa 2006 Kaohsiung Country International Puppet Festival sa Taiwan at “Papet Pasyon (The Passion Play in Puppetry)” na unang itinanghal sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas noong 1985.[2] Ang sinulat niyang mga maikling kwento na pinamagatang “Tia Purificacion” ay isinalin sa Aleman at nailathala sa Frauen Auf Den Philippinen Frauen sa Alemanya at ang “The Stairs” ay isinalin sa Olanda at nailathala bilang bahagi ng aklat na Het Ver-Welken Van De Regenbloesem sa Amsterdam.[2]

Mga parangal na natanggap

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Iginawad kay Amelia Lapeña-Bonifacio ang Pambansang Alagad ng Sining sa teatro noong Oktubre 24, 2018.[1] Kabilang sa iba pa niyang natanggap na mga parangal ay ang Outstanding Citizen Award ng Lungsod ng Maynila noong 2017 at ang Most Outstanding Citizen Award ng Lungsod ng Quezon noong 2013.[4] Nakamit din niya ang Carlos Palanca Memorial Award sa Literatura noong 1995 para sa One Act Play sa kanyang dulang “Dalawang Bayani” at pangalawang gantimpala noong 2006 para sa Full Length Play sa kanyang dulang “Chinchina and the Five Mountains”.[2]

Yumao si Amelia Lapeña-Bonifacio noong Disyembre 29, 2020 sa edad na 90 taong gulang.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Proclamation No. 606 Declaring Raymundo "Ryan" Cayabyab, Amelia Lapeña-Bonifacio, Lauro "Larry" Alcala (Posthumous), Resil B. Mojares, Ramon L. Muzones (Posthumous), Eric De Guia and Francisco Mañosa as National Artists for 2018" (PDF). Official Gazette. Republic of the Philippines. 24 Oktubre 2018. Nakuha noong 27 Nobyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 2.6 "Amelia Lapeña-Bonifacio". University of the Philippines Diliman. UP Diliman Information Office. Disyembre 30, 2020. Nakuha noong 27 Nobyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "Speaker Velasco Files House Resolution Expressing Condolences on the Passing of National Artist for Theater Amelia Lapeña-Bonifacio". House of Representatives Republic of the Philippines. House of Representatives. 17 Enero 2021. Nakuha noong 27 Nobyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 "National Artist for Theater Amelia Lapeña-Bonifacio dies". Rappler.com. Rappler. Disyembre 29, 2020. Nakuha noong 27 Nobyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "The Nation Honors National Artist Amelia Lapeña-Bonifacio with a Tribute at CCP". Cultural Center of the Philippines. Cultural Center of the Philippines. Disyembre 9, 2021. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 3 Agosto 2022. Nakuha noong 27 Nobyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)