Pumunta sa nilalaman

Jovita Fuentes

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jovita Fuentes
Si Jovita Fuentes, litrato mula sa NCCA
Kapanganakan
Jovita Fuentes

Padron:Birrh date
Kamatayan7 Agosto 1978(1978-08-07) (edad 83)
NasyonalidadPilipino
Kilala sapagganap bilang Cio Cio San sa "Madame Butterfly" ni Giacomo Puccini, Liu Yu sa "Turandot" at Mimi sa "La Boheme" ni Puccini, Iris sa "Iris" ni Pietro Mascagni at Salome sa "Salome" ni Richard Strauss
Parangal“Embahadora de Filipinas a su Madre Patria” mula sa Espanya, Presidential Medal of Merit in Music, National Artist of the Philippines
LaranganMusika
Pinag-aralan/Kasanayanpagkanta ng opera
Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas

Musika
1976

Si Jovita Fuentes (Pebrero 15, 1895 – Agosto 7, 1978) ay ang kauna-unahang Pilipinang mang-aawit na kinilala sa ibang bansa sa larangan ng opera at ang kauna-unahang Pilipina na hinirang bilang Pambansang Alagad ng Sining para sa Musika noong 1976.[1][2][3][4][5]

Ipinanganak si Jovita Fuentes noong Pebrero 15, 1895 kina Canuto at Dolores Flores sa Roxas City, Capiz. Marunong na siyang kumanta para sa mga habanera at danza sa edad na limang taong gulang at natutuong tumugtog ng piano sa tulong ni Maestro Gorio na isang organista sa kanilang lugar.[1][6]

Nag-aral siya sa Kolehiyo ng Santa Isabel sa Maynila at nag-organisa ng mga sarsuwela at operetta tuwing bakasyon kasama ang mga kaibigan at kapitbahay.[1] Pagkatapos ng kolehiyo ay nagkaroon ng pormal na pagsasanay sa larangan ng boses si Jovita Fuentes sa isang Italyanong mang-aawit na si Salvina Fornari na noon ay naninirahan sa Maynila.[1] Nagpunta siya sa Milan sa Italya noong 1924 para mapabuti pa ang kanyang kasanayan sa pagkanta ng opera at pag-arte at naging guro niya doon sina Arturo Cadore at Luigi Lucenti.[1][7] Nakilala din ni Jovita Fuentes si Anna Pratt Simpson na isang kritiko ng musika sa Chicago Tribune na nagkumbinse sa kanya para maging mang-aawit ng opera.[6]

Jovita Fuentes historical marker at the UP College of Music
Jovita Fuentes historical marker at the UP College of Music

Mula 1917 hanggang 1924 ay naging guro sa boses si Jovita Fuentes sa Konserbatoryo ng Musika ng Unibersidad ng Pilipinas.[1][7] Nagturo din siya ng musika sa College of the Holy Spirit, Kolehiyo ng Sta. Isabel at Pamantasang Centro Escolar.[5]

Litrato ni Fuentes sa Bologna, Italya, nilagdaan noong 1925

Noong Abril 1925 ang kauna-unahang pagtatanghal ni Jovita Fuentes sa ibang bansa bilang Cio Cio San sa "Madama Butterfly" ni Puccini na ginanap sa Teatro Municipale di Piacenza sa Italya.[1][7] Ginampanan din niya ang pagiging Liu Yu sa "Turandot" ni Puccini, Mimi sa "La Boheme" ni Puccini, Iris sa "Iris" ni Pietro Mascagni at ang pangunahing tauhan na Salome sa operang "Salome" ni Richard Strauss noong 1932 na personal na inalok sa kanya ng kompositor kasama ng natatanging pagganap bilang Prinsesa Yang Gui Fe sa "Li Tai Pe."[7][8] Nagtanghal siya sa Pilipinas, Estados Unidos at Europa.[1]

Nairekord niya ang mga kantang pinamagatang "Ang Mutya ng Pasig", "Quiereme", "Sa Liwanag ng Bwan", "Ang kailo nga binayaan" at "Ay! Kalisud" sa Victor Recording Company noong 1938.[9][3] Ang kantang "Ay! Kalisud" na tungkol sa kawalan ng pag-asa ng isang taong iniwan ng minamahal ay isang katutubong awit na Ilonggo na itinanghal sa publiko ni Jovita Fuentes noong 1919 sa isang konsiyerto ng Asociación Musical de Filipinas.[8] Unang nairekord ni Jovita Fuentes ang "Ay! Kalisud" sa Odeon Records sa Alemanya noong 1928.[1]

Itinatag niya ang Asociacion Musical de Filipinas, Bach Society of the Philippines, Music Promotion Foundation of the Philippines, Opera Foundation of the Philippines at Artists’ Guild of the Philippines dahil sa kagustuhan niyang magkaroon ng pagmamahal sa opera ang mga Pilipino.[1][5][7]

Mga parangal na natanggap

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nakamit ni Jovita Fuentes ang “Embahadora de Filipinas a su Madre Patria” mula sa Espanya, Presidential Medal of Merit sa Musika noong 1958, Diwa ng Lahi mula sa Lungsod ng Maynila noong 1975, Phi Kappa Phi Honor mula sa Unibersidad ng Pilipinas at ang Pambansang Alagad ng Sining sa Musika noong 1976.[5][1]

Yumao si Jovita Fuentes noong Agosto 7, 1978 sa Maynila.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.00 1.01 1.02 1.03 1.04 1.05 1.06 1.07 1.08 1.09 1.10 1.11 "Featured Artist: Jovita Fuentes". Filipinas Heritage Library. Filipinas Heritage Library. Nakuha noong 26 Agosto 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Proclamation No. 1539, s. 1976". Official Gazette. Republic of the Philippines. Nakuha noong 26 Agosto 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  3. 3.0 3.1 Medina, Marielle (27 Pebrero 2011). "Jovita Fuentes on Art 2 Art". The Philippine Star. Nakuha noong 26 Agosto 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Get to Know All the National Artists of the Philippines". Esquire. Esquire. Nakuha noong 26 Agosto 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 "Jovita Fuentes". CultrEd Philippines. National Commission for Culture and the Arts-Philippine Cultural Education Program. Nakuha noong 26 Agosto 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 "Western Vocalism In 20th Century Philippine Music" (PDF). Elisabeth University of Music. Elisabeth University of Music. Nakuha noong 26 Agosto 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 7.2 7.3 7.4 "Order of National Artists: Jovita Fuentes". National Commission for Culture and the Arts. Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 28 Nobiyembre 2020. Nakuha noong 26 August 2020. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  8. 8.0 8.1 "Concert info inglés" (PDF). Casa Asia. Casa Asia. Nakuha noong 26 Agosto 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Jovita Fuentes". Discography of American Historical Recordings. Regents of the University of California. Nakuha noong 26 Agosto 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)