Pumunta sa nilalaman

Sarsuwela

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang sarsuwela o zarzuela ay isang dulang may kantahan at sayawan, na mayroong isa hanggang limang kabanata. Ito’y nagpakita ng mga sitwasyon ng Pilipino na may kinalaman sa mga kuwento ng pag-ibig at kontemporaryong isyu. Ang sarsuwela ay impluwensiya ng mga Kastila. Kung ihahalintulad natin ang sarsuwela sa isang realistikong dula, ito ay walang gaanong kaibahan, kaya lamang ang ibang linya sa sarsuwela ay kadalasang kinakanta at patula ang dialogo nito. Kadalasan ang sarsuwela ay nagtatapos palagi sa masayang pagwawakas, kasiyahan o nakakaaliw na tagpo. Ang tunggalian nang sarsuwela ay pahaplis at pahapyaw lamang. Ito ay ipinangalan sa la Zarzuela ng Espanya.

LUBOS NA PAGPAPALINAW: Ang sarsuwela at isang komedya o melodramang may kasamang awit at tugtog na nanghihingil sa mga punong damdamin ng tao tulad ng pag-ibig, kapootan, paghihiganti, kasakiman, kalupitan, at iba pa o kayâ naman ay tungkol sa mga suliraning panlipunan o pampolitika. Ayon sa kasaysayan nito, ito ay sinasabing hinango ng mga Espanyol sa opera ng Italya sapagkat magkahalo ang mga diyalogong ginagamit dito — "patula" at "pasalita". Ang patulang bahagi ay karaniwang diyalogo ng mga pangunahing tauhan, bukod ito sa nilagyan ng komposition na maaaring awitin. Samantala, ang tuluyang diyalogo ay yaong ginamit naman ng mga katulong na tauhan. Ang sarsuwela ay binubuo ng tatlong yugto. Ang mga tagpo ay magkahalong seryoso at katawa-tawa. Melodrama kung ito ay tawagin o kaya'y tragikomedya. Hango sa tunay na buhay ang paksa nito at kung minsan ay nasosobrahan sa damdamin, lalo na sa pag-ibig kayâ nagiging "soap operatic". Bagama't ipinakilala ito noong panahon ng mga Espanyol, ay lubos na namulaklak noong panahon ng himagsikang Pilipino at Amerikano sa pangunguna nina Severino Reyes na kilala sa taguring "Lola Basyang" sa kanyang dulang Walang Sugat; Aurelio Tolentino sa kanyang kahapon, Ngayon at bukas, Juan Abad sa kanyang Tanikalang Ginto; Juan Crisosmo Soto sa kanyang Anak ng katipunan; Amando Navarette Osorio sa kanyang Patria Amanda; At iba pa. Isa naman sa dahilan ng panghina o kawalan ng sikat o pagkilala ng sarsuwela ay ang bodabil o stage show. Ang pagtatanghal na ito ay halos wala nang istorya, puro kantahan at sayawan lamang ang nangyari kung kayâ sa paglaganap ng bodabil naging purong panlibangan na lamang ang teatro.

Sa kasalukuyan, ang mga dulang pantanghalang ito ay patuloy pa ring ginagawa sa ating bansa bilang pag-alala sa mahalagang pagdiriwang na may kinalaman sa pananampalatayang katolisismo (catholicism) at upang talakayin ang mga suliraning panlipunang nangyayari sa bansa.

Panitikan Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.