Kidlat Tahimik

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Kidlat Tahimik
Kidlat tahimik.jpg
Kidlat Tahimik (kanan) at ang kanyang anak Kidlat de Guia
Kapanganakan
Eric Oteyza de Guia

Ika-3 ng Oktubre, 1942
NasyonalidadPilipino
Nakilala samga malayang pelikula
LaranganPelikula
Pinag-aralan/KasanayanPamantasan ng Pilipinas
Pamantasan ng Pennsylvania
Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas
National Artist of the Philippines.svg
Pelikula at Sining Pambrodkast
2018

Si Eric Oteyza de Guia (ipinanganak noong Ika-3 ng Oktubre, 1942 sa Lungsod Baguio, Benguet), na mas kilalang Kidlat Tahimik, ay isang direktor sa pelikula, manunulat at aktor na ang kanyang mga pelikula ay karaniwang nauugnay sa kilusang Ikatlong Sine sa pamamagitan ng kanilang mga pagpuna ng neokoloniyalismo. Ukol sa kanyang mga ambag sa pag-unlad ng malayang pelikula ng Pilipinas, siya ay kinilala noong 2018 bilang isang Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas para sa Pelikula - isang paggawad na kumakatawan sa pinakamataas na pagkilala ng bansang Pilipinas para sa mga alagad ng sining.[1]

Isa sa pinakatanyag na pangalan sa industriya ng pelikulang Pilipino, nakakuha siya ng iba`t ibang pagkilala sa lokal at pandaigdig, kabilang ang honoraryong Plaridel para sa malayang pelikula. Tinawag siya ng mga kapwa gumagawa ng pelikula at kritiko bilang "Ama ng Malayang Pelikulang Pilipino".

Sa mga nagdaang taon, si Tahimik ay naging tanyag iskultor na pagkakabit (installation artist) na may mga likha na ipinalabas sa mga iba't ibang pampublikong espasyo sa Pilipinas.[2]

Edukasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Nag-aral si Tahimik Unibersidad ng Pilipinas Diliman,[3] kung saan nahalal siya bilang Pangulo Sangguniang Mag-aaral ng UP, na kilala noong bilang Unyong Mag-aaral ng Unibersidad, mula 1962 hanggang 1963. Habang nasa unibersidad, naging kasapi siya ng kapatirang (o fraternity) Upsilon Sigma Phi.[4][5] Nag-aral si Tahimik sa Paaralang Wharton ng Unibersidad ng Pennsylvania, at umani ng Maestro sa Pamamahala ng Negosyo. Sa kanyang pagbabalik, itinatag niya ang AIESEC sa Pilipinas.[6]

Nagtrabaho siya bilang isang mananaliksik para sa Organisasyon para sa Ekonomikong Kooperasyon at Pag-unlad (o Organisation for Economic Co-operation and Development o OECD) sa Paris mula 1968 hanggang 1972.[7]

Mga impluwensya[baguhin | baguhin ang batayan]

Lumaki si Tahimik sa Baguio, Pilipinas, isang bakasyunan tuwing tag-init na pamayanan na itinatag sa presensya ng ilang base militar ng Estados Unidos. Naimpluwensiyahan ng karanasang ito ang tema ng kanyang pelikula, pinakakapansin-pansin ang medyo pang-awtobiyograpiyang pelikula na Perfumed Nightmare (1977) and Turumba (1983).

Ang mga nabanggit na mga pelikula ay nagbigay ng ilang kabatiran sa mga pangyayari na nagdala sa kanya sa presensya ng tagagawa ng pelikula na si Werner Herzog, na kasama ng direktor na si Francis Ford Coppola at kasama ng kanyang istudiyong American Zoetrope, ay naging instrumento sa pagtulong sa kanya ng paglabas ng Perfumed Nightmare sa Estados Unidos.

Pansariling buhay[baguhin | baguhin ang batayan]

Nakatira si Kidlat sa apat na palapag na tahanan sa Benguet, sa Pilipinas, kasama ang kanyang asawa, ang Alemang alagad ng sining at manunulat na si Katrin De Guia, at ang kanilang mga anak na sina Kidlat de Guia (o Kidlat Gottlieb Kalayaan), Kawayan Thor Kalayaan, at Kabunian De Guia (o Kabunian Cedric Enrique).

Noong Pebrero 2004, isang sunog ang naiulat na kumalat sa kanilang bahay. Nakatakas at nakaligtas ang pamilya, ngunit nawasak ang mga tinupong pelikula at koleksyon ng sining at artepakto.[8]

May-ari siya ng isang kapeteryang begetariyano na Oh My Gulay sa Baguio, Pilipinas.[9]

Mga gawad at parangal[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga gawad[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga pambansang parangal[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Zulueta, Lito B. (24 October 2018). "7 bagong pambansang alagad ng sining ihahayag sa Miyerkules". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong 24 Oktubre 2018.
  2. "Ang daigdig ng pangarap ni Kidlat Tahimik". CNN Philippines (sa wikang Ingles). Nakuha noong 1 Marso 2018.
  3. "University of the Philippines alumni listings" (sa wikang Ingles). Tinago mula sa orihinal noong Hulyo 29, 2010.
  4. Guia, Katrin De (2005). Kapwa: The Self in the Other : Worldviews and Lifestyles of Filipino Culture-bearers (sa wikang Ingles). Anvil Pub. pa. 93. ISBN 9789712714900.
  5. "Upsilonians remember 'brod' Behn Cervantes". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2 Setyembre 2017.
  6. Kalaw-Tirol, Lorna (2017-11-22). Primed for Life: Writings on Midlife by 18 Men (sa wikang Ingles). Anvil Publishing, Inc. ISBN 978-621-420-053-5.
  7. "Manilla Bulletin article". Manila Bulletin (sa wikang Ingles).
  8. "WORLD-FAMOUS ARTIST LOSES ARTWORKS AS HIS HOUSE RAZED BY BENGUET BLAZE". www.newsflash.org (sa wikang Ingles).
  9. Fermin, Margaret (2019-08-27). "Best Cafes to Visit in Baguio Cuddle Weather". Philippines Lifestyle News. Nakuha noong 12 Setyembre 2019.
  10. Jofelle P. Tesorio, ABS-CBN Balitang Europa. "Kidlat Tahimik kinuha ang gantimpalang Prince Claus sa Olanda". ABS-CBN Balita. Nakuha noong 14 Pebrero 2019.

Mga panlabas na link[baguhin | baguhin ang batayan]