Pumunta sa nilalaman

Alice Reyes

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Alice Reyes
Kapanganakan
Alice Reyes

Oktubre 14, 1942
NasyonalidadPilipino
ParangalPambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas
LaranganSayaw
Naimpluwensiyahan ni/ngRosalia Merino Santos, Greta Montserrat, Leonor Orosa-Goquingco, Ricardo Cassell, at Hanya Holm
Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas

Sayaw
2014

Si Alice Reyes (Oktubre 14, 1942) ay isang mananayaw, koreograper, direktor at guro na ginawaran bilang Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas sa larangan ng sayaw noong 2014 ni Pangulong Benigno Aquino III.[1][2]

Unang yugto ng buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinanganak si Alice Reyes noong Oktubre 14, 1942.[2] Ang kanyang ina na si Adoracion Garcia ay isang guro sa boses at coloratura soprano at ang kanyang ama na si Ricardo Reyes ay kilala bilang "Ginoong Philippine Folk Dancer".[3]

Natapos ni Alice Reyes ang Batsilyer ng Sining sa Kasaysayan at Serbisyong Pang-banyaga (Foreign Services) sa Kolehiyo ng Maryknoll at post-graduate na pag-aaral sa Unibersidad ng Ateneo de Manila.[3] Pagkatapos nito ay nag-aral din siya sa Sentro ng Sayaw (Center of Dance) sa Colorado Springs sa Estados Unidos.[3]

Naging guro ni Alice Reyes sa larangan ng sayaw sina Rosalia Merino Santos, Greta Montserrat, Leonor Orosa-Goquingco, Ricardo Cassell, at Hanya Holm.[4]

Sa loob ng dalawampung taon, mula 1969 hanggang 1989, ay naging artistic director si Alice Reyes ng Ballet Philippines.[3] Pagkatapos nito ay naging creative director siya ng Chrysara.[4] Muli siyang bumalik bilang artistic director ng Ballet Philippines noong 2017.[4]

Kabilang sa mga nagawa ni Alice Reyes ay ang "Amada" noong 1969, "At a Maranaw Gathering" noong 1970, "Modern Dance Concert" noong 1970, "Itim-Asu" noong 1971, "Tales of the Manuvu" noong 1977, "Rama Hari" noong 1980, "Cinderella" noong 1981, at "Bayanihan Remembered" noong 1987.[2][4][5]

Itinatag ni Alice Reyes ang Ballet Philippines noong 1969 sa tulong ni Eddie Elejar.[3]

Nag-akda si Alice Reyes ng isang coffeetable book na may pamagat na "Alice Reyes & Ballet Philippines: A 50-Year Legacy in Dance" na inilathala ng ABS-CBN Books.[3] Sinimulan niyang gawin ang librong ito noong 2017 sa tulong ng programa ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining.[3]

Noong Hunyo 2020 ay itinatag ni Alice Reyes ang Alice Reyes Dance Philippines.[6]

Mga parangal na natanggap

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 2014 ay idineklara si Alice Reyes bilang Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas sa larangan ng sayaw sa bisa ng Proklamasyon Bilang 807 na nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III noong Hunyo 20, 2014.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Proclamation No. 807 Declaring Alice Reyes As National Artist For Dance". Official Gazette. Republic of the Philippines. Hunyo 20, 2014. Nakuha noong Nobyembre 25, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  2. 2.0 2.1 2.2 "Order of National Artists: Alice Reyes". National Commision for Culture and the Arts. Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 27, 2022. Nakuha noong Nobyembre 25, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 3.6 Soliman, Michelle Anne P. (Disyembre 18, 2019). "Alice Reyes on 50 years — and counting — of Ballet Philippines". BusinessWorld. BusinessWorld Publishing. Nakuha noong Nobyembre 25, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 Sumayao, Marco (Agosto 1, 2019). "The Villain and The Hero: Inside the Storied Life of National Artist for Dance Alice Reyes". Esquire. Esquire. Nakuha noong Nobyembre 25, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Ballet PH brings back National Artist Alice Reyes' 'Cinderella' from Nov. 28 to Dec. 7". Lifestyle.Inq. Lifestyle Inquirer. Nobyembre 15, 2014. Nakuha noong 25 Nobyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Abunda, Boy (Setyembre 6, 2022). "National Artist Alice Reyes still keeps an eye on dance talents". PhilStar Global. Philippine Star. Nakuha noong Nobyembre 25, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)