Pumunta sa nilalaman

Ramon Obusan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ramon A. Obusan
Kapanganakan
Ramon Arevalo Obusan

Hunyo 16, 1938
KamatayanDisyembre 21, 2006
NasyonalidadPilipino
LaranganSayaw
Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas

Sayaw
2006


Si Ramon Arevalo Obusan (Hunyo 16, 1938 – Disyembre 21, 2006) ay isang Pilipinong mananayaw, koreograpo, nagdidisenyo ng entablado at direktor ng sining. Si Obusan ay pinarangalan para sa kanyang mga ginawa sa pagtaguyod ng tradisyunal na sayaw at pangkulturang Pilipino. Isa rin siyang kilalang archivist, mananaliksik at documentary filmmaker na nakatuon sa kultura ng Pilipinas. Itinatag niya rin ang Ramon Obusan Folkloric Group noong 1971. Kabilang sa mga parangal na natanggap ni Obusan ay ang Patnubay ng Kalinangan award ng Lungsod ng Maynila noong 1992, ang Gawad CCP Para sa Sining award noong 1993 at ang Pambansang Artist ng Pilipinas para sa sayaw noong Mayo 2006.[1][2][3]

Kabilang sa mga kilalang akda ni Obusan ay ang mga sumusunod:[1]

  • Vamos isang Belen! Series (1998-2004) Philippine Dances Tradition
  • Noon Po sa Amin, tableaux ng Kasaysayan ng Pilipinas sa kanta, dula at sayaw
  • Ang Obra Maestra, isang koleksyon ng mga masterpieces ng sayaw ni Ramon Obusan
  • Unpublished Dances of the Philippines, Series I-IV
  • Water, Fire and Life, Philippine Dances and Music--A Celebration of Life
  • Saludo sa Sentenyal
  • Glimpses of ASEAN, Dances and Music of the ASEAN-Member Countries
  • MJ (Ramon Obusan Folkloric Group): Philippines Costumes in Dance

Namatay si Obusan noong Disyembre 21, 2006 dahil sa cardio-pulmonary arrest sa Makati Medical Center. Hanggang sa kanyang kamatayan, ang taunang programa ng Pasko na Vamos A Blen sa Cultural Center ng Pilipinas ay nasa kanyang pangangasiwa. Naghahanda rin si Obusan para sa pagtatanghal ng kultura na gaganapin sa pang-estadong hapunan para sa 2007 ASEAN Summit na ihahandog ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Ramon Obusan". National Commission for Culture and the Arts. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Abril 2015. Nakuha noong 9 Pebrero 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "National artist for dance Obusan, 68". The Philippine Star. 22 Disyembre 2006. Nakuha noong 9 Pebrero 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Medina, Marielle (16 Hunyo 2014). "Did you know". Inquirer Research. Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 9 Pebrero 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)