Pumunta sa nilalaman

Wilfrido Maria Guerrero

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Wilfrido Maria Guerrero
Kapanganakan22 Enero 1911
Kamatayan28 Abril 1995
LibinganLibingan ng mga Bayani
MamamayanPilipinas
Trabahodirektor sa teatro

Si Wilfrido Ma. Guerrero (22 Enero 1911 - 28 Abril 1995) ay isang Filipinong mandudula, direktor, guro, at artistang panteatro. Siya ay nagsulat ng higit kulumang isang daang dula, at apatnapu't isa roon ay nailathala na. Ang mga dulang hindi pa nailathala ay naibrodkast sa radyo o 'di kaya ay naisadula na sa iba't ibang parte ng Pilipinas.

Ang kanyang mga dula ay mahahanap sa iba't ibang koleksyon ng likhang panliteratura: labintatlong dula (unang nailathala noong 1947), walong ibang dula (1952), pitong iba pang mga dula (1962), labindalawang bagong dula (1975), ang aking paboritong labinisang dula (1976), apat na pinakabagong dula (1980), at ang Retribusyon at walo pang ibang piling mga dula (1990). Si Guerrero ay naglathala rin ng isang biograpiya ng kanyang pamilya, Ang mga Guerrero ng Ermita (1988).

Ilan sa mga dula ni Guerrero ay naisalin at nailathala sa wikang Tsino, Italyano, Espanyol, Tagalog, Bisaya, Ilocano, at Waray. Anim sa kanyang mga dula ay nailathala na sa iba't ibang bansa tulad ng: Kalahating Oras sa loob ng Kumbento sa Pasadena Playhouse, California; Ang Tatlong mga Daga sa Unibersidad ng Kansas; Ang Nahatulan sa Oahu, Hawaii; Isa, Dalawa, Tatlo sa Unibersidad ng Washington, Seattle; Wanted: Isang Chaperon sa Unibersidad ng Hawaii; at Ang Hindi Pagkakasundo sa Sydney Hawaii.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.