Pumunta sa nilalaman

Larry Alcala

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Larry Alcala
Kapanganakan
Lauro Zarate Alcala

18 Agosto 1926
Kamatayan24 Hunyo 2002
NasyonalidadPilipino
Kilala saSlice of Life
LaranganSining biswal
Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas

Sining biswal
2018

Si Lauro Zarate Alcala (18 Agosto 1926 - 24 Hunyo 2002) o mas kilala sa tawag na Larry Alcala ay idineklara bilang Pambansang Alagad ng Sining sa larangan ng sining biswal noong 2018. Siya ay isang ilustrador at editorial cartoonist.[1][2]

Unang yugto ng buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Isinilang si Lauro Zarate Alcala o Larry Alcala noong 18 Agosto 1926 sa Daraga, Albay. Ang kanyang mga magulang ay sina Ernesto Alcala at Elpidia Zarate.[2]

Bilang iskolar ng pabliser na si Ramon Roces, natapos ni Larry Alcala ang Bachelor of Fine Arts sa pagpipinta sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1950.[2]

Mula 1951 hanggang 1981 ay naging guro si Larry Alcala sa Unibersidad ng Pilipinas.[2]

Taong 1947 noong ginawa ni Larry Alcala ang kanyang kauna-unahang comic strip na Siopawman na nailimbag sa komiks na Halakhak at ang Kalabog en Bosyo na Taglish ang ginamit na salita ng mga tauhan. Ang Kalabog en Bosyo ang pinakamahabang seryeng kartun na ginawa ng isang Pilipino at ito ay isinapelikula ng Sampaguita Pictures noong 1957.[2]

Pinakasikat sa mga nalikha ni Larry Alcala ay ang Slice of Life na seryeng kartun simula 1980 hanggang 1986 na inilalarawan ang mga katangi-tanging aspekto ng pang-araw-araw na buhay sa Pilipinas.[3] Samantalang ang kanyang comic strip na Mang Ambo naman ay salamin ng isang Pilipino na nananatiling tradisyunal sa kabila ng urbanisasyon na nagaganap sa kanyang paligid.[2] Nagsimula ito noong 1960 sa Weekly Graphic kung saan nagtatrabaho noon si Larry Alcala bilang editorial cartoonist at ilustrador.[4]

Nilikha rin ni Larry Alcala simula 1946 hanggang 1948 ang Islaw Palitaw, simula 1951 hanggang 1965 ang Tipin, simula 1961 hanggang 1972 ang This Business of Living, simula 1964 hanggang 1969 ang Loverboy, simula 1966 hanggang 1972 ang Project 13, Kongressman Kalog na nailathala sa Aliwan Komiks at Kalambogesyons na nailathala sa Pilipino Komiks, simula 1976 hanggang 1984 ang Asiong Aksaya na nailathala sa Daily Express at Tagalog Klasiks, at simula 1981 hanggang 2002 ang Laugh and Live, Life Today.[2][3]

Mga parangal na natanggap

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Idineklara si Larry Alcala bilang Pambansang Alagad ng Sining sa larangan ng sining biswal noong 24 Oktubre 2018 sa bisa ng Proklamasyon Bilang 606.[1]

Yumao si Larry Alcala noong 24 Hunyo 2002 sa edad na 75 taong gulang dahil sa atake sa puso.[5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Proclamation No. 606 Declaring Raymundo "Ryan" Cayabyab, Amelia Lapeña-Bonifacio, Lauro "Larry" Alcala (Posthumous), Resil B. Mojares, Ramon L. Muzones (Posthumous), Eric De Guia and Francisco Mañosa as National Artists for 2018" (PDF). Official Gazette. Republic of the Philippines. 24 Oktubre 2018. Nakuha noong 29 Nobyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 2.6 "Larry Alcala". CulturEd Philippines Sagisag Kultura. NCCA-PCEP. Nakuha noong 29 Nobyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "Lauro "Larry" Alcala". National Commission for Culture and the Arts. Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Hulyo 2022. Nakuha noong 29 Nobyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Goodreads". Goodreads, Inc. Nakuha noong 29 Nobyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Cartoonist Alcala dies of heart attack". PhilStar Global. The Philippine Star. Hunyo 26, 2002. Nakuha noong 29 Nobyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)