Lucrecia Kasilag
Lucrecia R. Kasilag | |
---|---|
Kapanganakan | Lucrecia Roces Kasilag 31 Agosto 1918 |
Kamatayan | 16 Agosto 2008 | (edad 89)
Nasyonalidad | Pilipino |
Kilala sa | “Tocatta for Percussions and Winds,” “Divertissement and Concertante,” mga musika para sa “Filiasiana,” “Misang Filipino” at “De Profundis”, “Love Songs,” “Legend of the Sarimanok,” “Ang Pamana,” “Philippine Scenes,” “Her Son,” “Jose,” “Sisa,” “Awit ng mga Awit Psalms,” “Fantaisie on a 4-Note Theme,” at “East Meets Jazz Ethnika” |
Parangal | Pambansang Alagad ng Sining, Presidential Award of Merit as Woman Composer, Presidential Award of Merit, Republic Cultural Heritage Award, Patnubay ng Sining at Kalinangan Award, Outstanding Filipino Award for the Arts |
Larangan | Musika |
Pinag-aralan/Kasanayan | Philippine Women's University, University of Rochester |
Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas | |
Musika 1989 |
Si Lucrecia Roces Kasilag (31 Agosto 1918 – 16 Agosto 2008) ay isang tagapagturo, kompositor, administrador, gumaganap na artista at negosyanteng pang-kultura.[1] Siya ay kilala sa tawag na "Tita King" at itinuturing na "Grand Lady of Philippine Music" dahil sa mga nagawa nito sa larangan ng musika sa Pilipinas.[2] Iginawad sa kanya ang pagiging Pambansang Alagad ng Sining sa Musika noong 1989.[3]
Unang yugto ng buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak si Lucrecia Roces Kasilag noong Agosto 31, 1918 sa San Fernando, La Union kina Marcial Kasilag Sr. at Asuncion Roces. [4][2] (Bagamat nakasaad sa Encyclopedia of Philippine Art ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas na ang taon ng kapanganakan ni Lucrecia Kasilag ay 1918, sinabi niya mismo na siya ay ipinanganak ng 1917.)[5] Siya ay pangatlo sa anim na magkakapatid.[2]
Edukasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang nagmulat kay Lucrecia Kasilag sa larangan ng musika ay ang kanyang ina na si Asuncion Roces na isang guro sa musika.[4] Sa murang edad ay natuto siyang tumugtog ng bandurya at gitara.[4]
Natapos niya ang elementarya sa Paco Elementary School bilang balediktoryan.[4] Sa Philippine Women's University High School niya natapos ang sekundaryang edukasyon bilang balediktoryan at sa Philippine Women's University ang Batsilyer sa Sining sa Ingles bilang cum laude.[4][2][5]
Kumuha siya ng mga leksiyon sa pagtugtog ng piyano kina Concha Cuervo at Pura Lacson-Villanueva at ng diploma bilang guro sa musika sa Kolehiyo ng Musika ng St. Scholastica's College.[4][2] Pagkatapos ay nag-aral siya ng Batsilyer sa Musika sa Philippine Women's University at noong 1950 ay Master of Music sa Eastman School of Music sa Pamantasan ng Rochester sa New York.[4][2]
Siya ay isa sa mga iskolar ng programang Fulbright.[6]
Propesyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Naging Dekano si Lucresia Kasilag ng Kolehiyo ng Musika at Fine Arts ng Philippine Women's University mula 1953 hanggang 1977.[4] Nagturo din siya sa Kolehiyo ng Santa Eskolastika (St. Scholastica’s College), Assumption College, at sa Konserbatoryo ng Musika ng Unibersidad ng Pilipinas.[4]
Pinamumunuan niya ang Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (Cultural Center of the Philippines) bilang presidente sa loob ng 17 taon mula 1969 hanggang 1986 at ang League of Filipino Composers sa loob ng 35 na taon.[4][5]
Humawak siya ng mahalagang posisyon sa National Music Council of the Philippines, Philippine Society for Music Education, National Music Competition for Young Artists Foundation, Asian Composers League at ang Regional Music Commission of Southeast Asia.[4]
Mga nagawa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Lucrecia Kasilag ang dahilan sa pagkakatatag ng Bayanihan Folk Arts Center noong 1957 at katuwang na tagapagtatag ng Bayanihan National Dance Company. [7][8]
Bilang kompositor, nakalikha si Lucrecia Kasilag ng 250 komposiyon, mga areglo ng mga katutubong awit, awit sining, mga piyesang pang-solo at instrumental at mga akdang pang-orkestra.[2] Ilan sa mga nagawa niyang pang-orkestra ay ang “Love Songs,” “Legend of the Sarimanok,” “Ang Pamana,” “Philippine Scenes,” “Her Son,” “Jose,” “Sisa,” “Awit ng mga Awit Psalms,” “Fantaisie on a 4-Note Theme,” at “East Meets Jazz Ethnika.”[1][4] Siya ay nag-eksperimento sa pamamagitan ng pagsasanib ng katutubong instrumentong pangmusika sa pagtatanghal ng isang orkestra. Kabilang dito ang kanyang ginawang “Tocatta for Percussions and Winds,” “Divertissement and Concertante,” at ang mga musika para sa “Filiasiana,” “Misang Filipino” at “De Profundis.”[2]
Mga parangal na natanggap
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa bisa ng isang proklamasyon ng Pangulo ng Pilipinas, inihayag na Pambansang Alagad ng Sining (National Artist) si Lucrecia Kasilag sa larangan ng musika noong 1989.[3]
Natanggap din niya ang Presidential Award of Merit as Woman Composer noong 1956, Presidential Award of Merit at gold medal for leadership and outstanding contribution sa musika at sining noong 1960, Republic Cultural Heritage Award para sa ginawa niyang “Toccata for percussions and winds” noong 1960 at “Misang Pilipino” noong 1960 at 1966, Patnubay ng Sining at Kalinangan Award ng Lungsod ng Maynila noong 1954 at 1973 at Outstanding Filipino Award for the Arts ng Philippine Jaycee International noong 1991.[2][5]
Kamatayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pumanaw si Lucrecia Kasilag noong Agosto 16, 2008 sa Paco, Manila sa edad na 90.[4][8][7][5]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 "Order of National Artists: Lucrecia R. Kasilag". National Commission for Culture and the Arts. Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Nobiyembre 2020. Nakuha noong 27 August 2020.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong) - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 2.6 2.7 2.8 "Lucresia R. Kasilag". CulturEd Philippines. National Commission for Culture and the Arts-Philippine Cultural Education Program. Nakuha noong 27 Agosto 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 "Proclamation No. 411, s. 1989 Declaring Dr. Lucrecia Roces Kasilag As National Artist". Official Gazette. Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Septiyembre 2021. Nakuha noong 28 August 2020.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong) - ↑ 4.00 4.01 4.02 4.03 4.04 4.05 4.06 4.07 4.08 4.09 4.10 4.11 4.12 "Featured Artist: Lucrecia R. Kasilag". Filipinas Heritage Library. Filipinas Heritage Library. Nakuha noong 27 Agosto 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 5.2 5.3 5.4 "(Update) National Artist Lucrecia Kasilag, 91". GMA News Online. BusinessWorld. Agosto 18, 2008. Nakuha noong 28 Agosto 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "CHED continues Fulbright scholarship for Filipino faculty members". Philippine News Agency. Philippine News Agency. Nakuha noong 28 Agosto 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 7.0 7.1 "National Artist for Music Lucrecia Kasilag, 90". ABS-CBN News. ABS-CBN Corporation. 19 Agosto 2008. Nakuha noong 28 Agosto 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 8.0 8.1 "Celebrating the King: The Music of Lucrecia R. Kasilag by Earl Clarence L. Jimenez, Philippine Women's University". SEADOM. SEADOM Office, College of Music, Mahidol University. Nakuha noong 2 Nobyembre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)