Pumunta sa nilalaman

Sulat sa mga taga-Filipos

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Liham sa mga Filipense)
Mga Aklat ng Bibliya

Ang Sulat sa mga taga-Filipos o Sulat sa mga Filipense ay aklat sa Bagong Tipan na isinulat ni Apostol Pablo para sa mga Kristiyanong taga-Filipos o Filipense.

Ang sulat ni San Pablo sa mga taga-Filipos ay nagbibigay ng diin sa pagkakaroon ng mga sumusunod:

  • Katapatan sa mga pangaral ni Hesukristo
  • Katapatan sa Simbahan

Ang ganitong mga paksa ay matatagpuan din sa sulat ni San Pablo para sa mga taga-Colosas at sa mga taga-Efeso.[1]

Sanligang pangkasaysayan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Dating nangaral si San Pablo sa mga Filipense, isang kalaapit na bayan ng Neapolis (kilala sa kasalukuyang bilang Karala na nasa hilaga ng Gresya) sa Europa. Naglakbay si San Pablo sa lugar na ito noong humigit-kumulang taong 51. Ito ang kanyang pangalawang paglalakbay na pangmisyon.[2] Si San Pablo ang nagtatag ng lungsod ng Filipos, ang unang naitatag na lungsod ni San Pablo sa Europa. Pagkalipas ng 10 mga taon, nabilanggo si San Pablo sa Sinaunang Roma. Nabalitaan ito ng mga taga-Filipinos kaya't nagpadala sila ng abuloy sa pamamagitan ni Epafrodito. Nagkaroon ng karamdaman si Epafrodito habang pinaglilingkuran ni Epafrodito si San Pablo, kaya't nang gumaling na ay pinauwi siya ni San Pablo pabalik sa Filipos. Sa pagbabalik ni Epafrodito sa Filipos, dala-dala niya ang liham ni San Pablo para sa mga taga-Filipos.[2]

Mga nilalaman

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang sulat ni San Pablo sa mga Filipense ay naglalaman ng mga sumusunod:[2]

  • Pasasalamat para sa mga taga-Filipos
  • Mga payo ni San Pablo na kinasasangkutan ng:
  • Bilin na pag-ilag sa mga Hudyong tumutuligsa sa Kristiyanismo, ang relihiyon ni Hesukristo
  • Tagubilin na mabuhay ang mga Filipense na mabuhay bilang mga tagasunod ni Hesukristo
  • Tagublin na ayusin ang mga alitan ng mga Filipense

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Letters to the Philippians, Colossians, and Ephesians". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), New Testament, Bible, pahina 161.
  2. 2.0 2.1 2.2 Abriol, Jose C. (2000). "Sulat sa mga Filipense". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 1714.

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]