Pumunta sa nilalaman

Lingguwistikong pagtatakda

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang lingguwistikong pagtatakda, o balarilang mapagtakda (Ingles: lingustic prescription, prescriptive grammar), ay pagtatangkang magtatag ng mga alituntunin na tumutukoy sa ginustong o "wastong" paggamit ng wika.[1][2] Maaaring tugunan ng mga tuntuning ito ang mga aspeto sa lingguwistika tulad ng pagbaybay, pagbigkas, talasalitaan, palaugnayan, at palasurian. Binabatid paminsan-minsan ng purismong lingguwistiko,[3] maaaring imungkahi ng gayong mga normatibong kaugalian na may mga ilang paggamit ng wika na hindi tama, hindi makatwiran, may kakulangan sa mabisang komunikasyon, o may mababang kagandahan.[4][5] Maaari ring isama rito ang mga pasya sa paggamit ng wikang angkop sa lipunan at katanggap-tanggap sa pulitika.[6]

Maaaring tunguhin ng lingguwistikong pagtatakda o preskriptibismo ang pagtatag ng isang pamantayang wika, pagtuturo kung ano ang nauunawaan ng isang partikular na lipunan bilang wastong porma, o pagpapayo sa mabisang at angkop na komunikasyon. Kung konserbatibo ang mga napiling paggamit, ang pagtatakda ay waring nagtitinging salungat sa pagbabago ng wika; kung radikal, maaari itong makagawa ng mga neolohismo.[7][Pahina'y kailangan]

Ang mga preseptibong paraan sa wika ay madalas na inihahambing sa paraang mapaglarawan ("deskriptibismo") na ginagamit sa linggwistikang pang-akademiko, na nag-oobserba at nagtatala kung paano ginagamit ang wika.[8][9] Ang batayan ng pananaliksik sa wika ay pagsusuri ng teksto (korpus) at pag-aaral sa totoong buhay, na kapwa mapaglarawang aktibidad. Gayunpaman, maaaring isama sa paglalarawan ang mga obserbasyon ng mga mananaliksik ng kani-kanilang paggamit ng wika. Sa tradisyong lingguwistiko ng Silangang Europa, ang disiplina ukol sa paglilinang at pagtatakda ng pamantayang wika ay kilala bilang "kultura ng wika" o "kultura ng pagsasalita".[10][11]

Bagaman sila'y halatang magkasalungat, kadalasang itinuturing magkakaugnay ang pagtatakda at paglalarawan,[8] dahil kailangang isaalang-alang at itala ng mga komprehensibong mapaglarawang salaysay ang umiiral na mga kagustuhan ng mga nagsasalita, at kailangan ang pag-uunawa kung paano ginagamit ang wika para maging epektibo ang pagtatakda. Mula noong kalagitnaan ng ika-20 siglo patuloy na pinagsasama sa mga ilang diksyunaryo at mga gabay sa istilo, na likas na mapagtakdang gawin, ang mapaglarawang laman at pamamaraan. Kabilang sa mga halimbawa ng napanahong gabay upang magdagdag ng nilalamang mas mapaglarawan at nakabatay sa ebidensya ang Webster's Third New International Dictionary (1961) at ang ikatlong edisyon ng Garner's Modern English Usage (2009) sa Ingles, o ang Nouveau Petit Robert (1993)[12] sa Pranses. Makatutulong ang bahagyang mapaglarawang paraan lalo na sa mga paksang may patuluyang salungatan sa pagitan ng mga awtoridad, o sa iba't ibang mga diyalekto, disiplina, istilo, o rehistro. Idinisenyo naman ang mga iba pang gabay, tulad ng The Chicago Manual of Style, upang magpataw ng iisang istilo at sa gayon ay mapanatiling mapagtakda, unang-una sa lahat (magmula noong 2017).

Binibigyang-kahulugan ang "preskriptibismo" ng mga ilang may-akda bilang konsepto kung saan itinataguyod ang isang uri ng wika bilang nakahihigit sa iba, at sa gayon kinikilala ang ideolohiya ng pamantayang wika bilang isang konstityutibong sangkap o kahit na kinikilala ang preskriptibismo sa ganitong sistema ng pananaw.[13][14] Ginagamit naman itong termino ng iba kaugnay sa anumang pagtatangka upang magrekomenda o magtakda ng partikular na paraan ng paggamit ng wika (sa isang tiyak na konteksto o rehistro), nang hindi, gayunpaman, nagpapahiwatig na dapat kinasasangkutan ang mga kasanayang ito ng pagpapalaganap ng ideolohiya ng pamantayang wika.[15][16] Ayon sa isa pang pagkaunawa, ang kaugaliang mapagtakda ay isang pamamaraan sa pagbuo ng kasanayan at pagsasakodigo na kinasasangkutan ng pagpapataw ng mga di-makatwirang pagpapasya sa isang komunidad ng nagsasalita,[17] salungat sa mga mas maluwag na pamamaraan na nagpupulot nang maramihan mula sa mga mapaglarawang surbey;[18][19] sa mas malawak na diwa, gayunpaman, isang uri rin ng preskriptibismo ang huling nabanggit.[10]

Hinihiwalay ni Mate Kapović ang "preskripsyon" (pagtatakda) at "preskriptibismo". Nagbigay-kahulugan siya sa una bilang "proseso ng pagsasakodigo ng isang tiyak na uri ng wika para sa opisyal na paggamit" at sa ikalawa bilang "hindi makasiyentipikong ugaling magpataka sa lingguwistikong pagtatakda".[20]

Ikinakategorya ang lingguwistikong pagtatakda bilang huling yugto sa pagsasapamantayan ng wika. Nakadepende ito sa kultura at nauudyukan ng pulitika. Maaaring tawagin itong panlipunang pag-unlad at bahagi sa sibilisasyon ng isang kultura. Dahil nakikita ang kultura bilang pangunahing salik sa pagbuo[kailangang linawin] ng pamantayang wika, kadalasang itinataguyod ng mga bansang multilingguwal ang pagsasapamantayan at itinatanggol ang pagsunod sa mga kaugaliang itinakda.[21]

Ang pangunahing tunguhin ng lingguwistikong pagtatakda ay tiyakin ang mga anyong ikinagugusto sa lipunan (alinman sa pangkalahatan, tulad ng Pamantayang Ingles, o sa istilo at rehistro) sa paraan na madaling ituro at matutunan.[22] Maaaring kumapit ang pagtatakda sa karamihan ng aspeto ng wika, kabilang ang pagbaybay, pagbigkas, talasalitaan, palaugnayan, at palasurian.

Nakatutulong ang pagtaktakda sa pagpapadali ng komunikasyon ng mga iba't ibang rehiyon, nagpapahintulot na mas madaling maunawaan ng mga nagsasalita ng magkakaibangdiyalekto ang isang isinapamantayang wika sa pagsasahimpapawid, halimbawa, kaysa sa mga diyalekto ng isa't isa.[kailangan ng sanggunian] Habang maaaring mabuo ang isang lingguwa prangka sa ganang sarili, laganap ang ugaling isakodigo nang pormal ang wika sa karamihang bahagi ng mundo.[kailangan ng sanggunian] Itinuturing din ang pagtuturo ng wikang banyaga bilang pagtatakda, dahil kasangkot dito ang pagtuturo sa mga mag-aaral kung paano magsalita batay sa dokumentasyon ng paggamit na inilapag ng mga iba.[23]

Maaari ring gamitin ang lingguwistikong pagtatakda upang palawakin ang isang ideolohiyang panlipunan o pampulitika. Noong ikalawang bahagi ng ika-20 siglo, may malaking impluwensya ang mga pagtatangkang pinatakbo ng mga iba't ibang pangkat ng adbokasiya sa paggamit ng wika sa ngalan ng "kawastuhang pulitikal", upang itaguyod ang mga pantanging tuntunin para sa wikang kontra sa seksismo, rasista, o sa pangkalahatan kontra sa diskriminasyon (hal. "wikang people-first" na itinataguyod ng mga organisasyon sa karapatan ng mga may kapansanan.[kailangan ng sanggunian]

Kadalasang ipinapailalim sa kritisismo ang preskriptibismo. Nag-aalinlangan ang maraming dalubwika, tulad ni Geoffrey Pullum at mga ibang nagsusulat sa Language Log sa kalidad ng ipinapayo sa mararaming gabay sa paggamit, kabilang ang mga lubhang kinikilalang aklat tulad ng Elements of Style nina Strunk & White.[24] Lalong nagtatawag-pansin ang mga dalubwika na kadalasang may saligang pagkakamali ang mga sikat na aklat sa paggamit ng Ingles na isinulat ng mga mamamahayag o nobelista (hal. Strictly English: The Correct Way to Write ... and Why It Matters ni Simon Heffer) sa pagsusuri sa lingguwistika.[25][26]

Isang madalas na kritisismo sa pagtatakda ang kanyang hilig na paboran ang wika ng isang partikular na rehiyon o klase sa lipunan higit sa lahat, at sa gayon ay humahadlang sa lingguwistikong pagkakasari-sari.[27] Malimit, may kaugnayan ang isang pamantayang diyalekto sa mga nakatataas sa lipunan, halimbawa ang Received Pronunciation (RP) ng Gran Britanya. Halos nawala na ang estado ng RP bilang pamantayan ng mga Inglesero, at naging alternatibong sistema na ang mga ibang pamantayan para sa Ingles bilang wikang banyaga. Bagaman mas demokratiko ang mga ganito, ipinupuwera pa rin ng mga ganito ang karamihan sa mga nagsasalita ng Ingles: maaaring makadama ang mga nagsasalita ng Eskosesang Ingles, Hiberno-Ingles, Apalatseng Ingles, Australyanong Ingles, Indyanong Ingles, Nigeryanong Ingles, o Aprikanong-Amerikanong Ingles na ang pagpili sa pamantayan ay di-makatwiran o may kinikilingan.[28][29] Samakatwid, may makapulitikang kalalabasan ang pagtatakda. Maaari ring gamitin nang sadya ang pagtatakda bilang instrumentong pulitikal.

  1. Crystal, David (2008). A Dictionary of Linguistics and Phonetics (ika-6th (na) edisyon). Blackwell. p. 384. ISBN 978-1-4051-5296-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Matthews, Peter Hugoe (2007). The Concise Oxford Dictionary of Linguistics. p. 316. ISBN 978-0-19-920272-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Janicki, Karol (2006) Language misconceived: arguing for applied cognitive sociolinguistics p.155
  4. John Edwards (2009) Language and Identity: An introduction p.259
  5. Walsh, Olivia (2016). Linguistic Purism: Language Attitudes in France and Quebec. John Benjamins Publishing Company. pp. 8–9. ISBN 978-90-272-6673-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Jeffrey Reaser; Carolyn Temple Adger; Walt Wolfram; Donna Christian (2017). Dialects at School: Educating Linguistically Diverse Students. Taylor & Francis. p. 117. ISBN 978-1-317-67898-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. McArthur (1992)
  8. 8.0 8.1 McArthur (1992), p. 286 entry for "Descriptivism and prescriptivism" quotation: "Contrasting terms in linguistics." Maling banggit (Invalid na <ref> tag; maraming beses na binigyang-kahulugan ang pangalang "McArthur1992p286" na may iba't ibang nilalaman); $2
  9. Moch. Syarif Hidayatullah (2017). Cakrawala Linguistik Arab (Edisi Revisi) (sa wikang Indones). Gramedia Widiasarana Indonesia. p. 5–6, 18. ISBN 978-602-452-369-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. 10.0 10.1 Markowski, Andrzej. "Językoznawstwo normatywne dziś i jutro: stan, zadania, szanse, zagrożenia". Konferencje i dyskusje naukowe (sa wikang Polako). Polish Language Council. Nakuha noong 2019-02-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Speech Culture". The Great Soviet Encyclopedia (ika-3 (na) edisyon). 1970–1979.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. (Heinz 2003)
  13. Annabelle Mooney; Betsy Evans (2018). Language, Society and Power: An Introduction. Routledge. ISBN 978-0-429-82339-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Kapović, Mate (2013). "Jezik i konzervativizam". Sa Vuković, Tvrtko; Kolanović, Maša (mga pat.). Komparativni postsocijalizam: slavenska iskustva (sa wikang Serbo-Croatian). Zagrebačka slavistička škola. pp. 391–400. Nakuha noong 9 Nobyembre 2018.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Kliffer, Michael D. "Quality of language": The changing face of Quebec prescriptivism (PDF). McMaster University. p. 1. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2020-01-08. Nakuha noong 2020-05-13.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. McIntyre, John (1 Setyembre 2011). "Prescription for prescriptivists". Baltimore Sun. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Enero 2020. Nakuha noong 6 Nobyembre 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Kordić, Snježana (2006). "Sprache und Nationalismus in Kroatien" [Language and Nationalism in Croatia] (PDF). Sa Symanzik, Bernhard (pat.). Studia Philologica Slavica: Festschrift für Gerhard Birkfellner zum 65. Geburtstag gewidmet von Freunden, Kollegen und Schülern: Teilband I. Münstersche Texte zur Slavistik, vol. 4 (sa wikang Aleman). Berlin: Lit. pp. 339–347. ISBN 3-8258-9891-1. OCLC 315818880. SSRN 3438896. Padron:CROSBI. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 1 Hunyo 2012. Nakuha noong 4 Enero 2013.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Jezierska, Beata (2016). Frazeologizmy w polskich przekładach współczesnej prozy francuskiej (na wybranych przykładach) (sa wikang Polako). Poznań: Wydział Filologii Polskiej i Klasycznej: Instytut Filologii Polskiej. pp. 97–99. hdl:10593/14690.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Kordić, Snježana (2010). Jezik i nacionalizam [Language and Nationalism] (PDF). Rotulus Universitas (sa wikang Serbo-Croatian). Zagreb: Durieux. pp. 57–68. doi:10.2139/ssrn.3467646. ISBN 978-953-188-311-5. LCCN 2011520778. OCLC 729837512. OL 15270636W. Padron:CROSBI. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 3 Marso 2016. Nakuha noong 6 Abril 2015.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Kapović, Mate (2014). "Language and conservatism" (PDF). Ideology in Grammar. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2015-09-15. Nakuha noong 2020-05-13.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Carol Percy; Ingrid Tieken-Boon van Ostade (2016). Prescription and Traditino: Establishing Standards across Time and Space. Multilingual Matters. Multilingual Matters. p. 3. ISBN 978-1-78309-652-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. McArthur (1992), pp. 979, 982–983
  23. Jeanette Sakel (2015). Study Skills for Linguistics. Understanding Language (sa wikang Ingles). Routledge. p. 34. ISBN 978-1-317-53009-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Pullum, Geoffrey (Abril 17, 2009), "50 Years of Stupid Grammar Advice", The Chronicle of Higher Education, nakuha noong Hulyo 25, 2011{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. Pullum, Geoffrey (Setyembre 11, 2010), English grammar: not for debate, nakuha noong Hulyo 25, 2011{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. Pullum, Geoffrey (Nobyembre 15, 2010), Strictly incompetent: pompous garbage from Simon Heffer, nakuha noong Hulyo 25, 2011{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. McArthur (1992), pp. 984–985
  28. McArthur (1992), pp. 850–853
  29. Fowler's Modern English Usage, second edition, Ernest Gowers, ed., Oxford University Press: 1965, pp. 505–506

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Karagdagang pagbabasa

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Simon Blackburn, 1996 [1994], "descriptive meaning", Oxford Dictionary of Philosophy, pp. 101–102 para posibleng hirap ng paghihiwalay ng mapaglarawan at mapaghusga

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]