Pumunta sa nilalaman

Liputi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Syzygium curranii
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Dibisyon:
Hati:
Orden:
Pamilya:
Sari:
Espesye:
Syzygium curranii
Pangalang binomial
Syzygium curranii
Kasingkahulugan

Eugenia curranii C.B.Rob.

Ang liputi (Syzygium curranii) Na kilala rin sa katawagang Laputi(Romblon), Baligang(Bikol) at Tag Hangin(Aklan) ay isang punong kahoy sa kagubatan ng Pilipinas na nabubuhay sa silangang bahagi ng bansa na may klimang ika-2 tipo. Ang Punong Kahoy na Ito ay mabuhayin sa tropikal na Panahon Lalu na sa maulang kabukiran.May ulat na laganap ang Liputi di Lang sa Kapuluang Pilipinas kundi rin matatagpuan sa Indonesya,Malaysia hanggang sa Australia na may Latitude 40 antas ng Hilig pa Timog .Ang halamang ito ay may bunga gaya ng duhat at isa sa may pinakamalakas na phytochemicals o sangkaphalaman na tumutunaw sa sihay ng kanser (o suhay kanser). Ito ay batay sa mga siyentipikong Ruso at Hapones na nagsaliksik ng tungkol sa halamang ito. Sa kasalukuyan, ang halamang ito ay pinaparami at inaalagaan sa bahagi ng lalawigan ng Quezon dahil sa mga pinrusesong mga produktong ginagamitan nito para pangluwas mula sa bansa. Isa nga itong mahalagang halaman sa ating bansa na kailangan sa mabuting kapakanang pangkalusugan sa mga tao sa Pilipinas.

PunoPanggagamot Ang lathalaing ito na tungkol sa Puno at Panggagamot ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.