Wikang Litwano

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Lithuanian language)
Lithuanian
lietuvių kalba
Sinasalitang katutubo saLithuania
RehiyonBaltic
EtnisidadLithuanians
Mga katutubong
tagapagsalita
3.0 million (2012)[1]
Pamilyang wika
Mga wikain/diyalekto
Sistema ng pagsulatLatin (Alpabetong Litwano)
Lithuanian Braille
Opisyal na katayuan
Opisyal na wika sa Lithuania
 European Union
Kinikilalang wikang pang-minoridad sa Poland
Kinokontrol ngCommission of the Lithuanian Language
Mga kodigong pangwika
ISO 639-1lt
ISO 639-2lit
ISO 639-3Either:
lit – Modern Lithuanian
olt – Old Lithuanian
Linggwaspera54-AAA-a
Map of Lithuanian language.svg
Map of the area of the Lithuanian language in the late 20th century and the 21st century

Ang wikang Litwano ay isa sa mga wikang Baltiko. Nagmula ito sa Lituwaniya, na sinasalita sa ilang bansang Europeo, pati na sa mga Amerika at Australya. Kasama ng wikang Latbyano, ito na lamang ang natitirang mga wikang Baltiko. Kapwa may pagkakapareho ang mga wikang ito, bagaman mas kakaunti ang inangking mga salita ng Litwaniyano mula sa wikang Aleman at iba pang mga wika. Subalit, matagal na panahon nang naapektuhan ng mga wikang Islabiko ang wikang Litwano, kaya't ang mga "barbarismo" ay napalitan ng mga salitang Litwano noong 1920 lamang, sa pamamagitan ng pilologong si Jonas Jablonskis at iba pa. May dalawang pangunahing diyalekto ang Litwano. Ang Samogityano ang pinakalaganap ginagamit sa Kanlurang Litwaniya, samantalang ang Aukštaitiano (diyalekto ng mga nasa Mataas na Lupain) ay mas pinakamalawakang ginagamit sa buong bansa. Nagmula ang pamantayang Litwano sa Kanluraning Aukštaitiano. Ang unang aklat na nasulat sa Litwano ay ang Katekizmas ni Martynas Mažvydas. Nalathala ito sa Silangang Prusya noong 1547.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. Wikang Litwano at Ethnologue (19th ed., 2016)

WikaEuropa Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika at Europa ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.