Pumunta sa nilalaman

Lohistika

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Lohistikal)

Ang lohistika (Ingles: logistics) ay ang pamamahala ng daloy ng mga mabuting daladalahin (ang goods), kabatiran, at iba pang mga kagamitang napagkukunan (mga resource) sa loob ng isang siko na pagkukumpuni sa pagitan ng tuldok ng pinagmulan at sa tuldok ng pagkonsumo o paggamit upang makamit ang mga pangangailangan ng mga kostumer o kliyente (mga parokyano). Kabilang sa lohistika ang integrasyon o pagsasama-sama ng impormasyon, transportasyon, imbentaryo, paglalagay sa bahay-imbakan, paghawak ng mga materyal, at pagpapakete, at paminsan-minsan ng seguridad o kaligtasan. Isang tsanel o lagusan ng kadena ng mga pampuno na nakapagdaragdag ng halaga sa paggamit ng panahon at pook. Sa kasalukuyan, ang kasalimuutan ng lohistika ng produksiyon ay maaaring ihuwaran, suriin, isipin, at talagang mapainam sa pamamagitan ng sopwer na pangsimulasyon sa isang planta.

Mga pinagmulan at kahulugan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang katagang lohistika ay nagmula sa salitang Griyegong logos (λόγος), na may ibig sabihing "salita, katwiran, rasyo, rasyonalidad (pagkamakatuwiran), wika, parirala", at mas tiyak na mula sa salitang Griyegong logistiki (λογιστική), na nangangahulugang akawnting o pagtutuoos at organisasyon o pagsasaayos na pampananalapi. Nagmula ang lohistika ay may pinagmulan ding pandiwang Pranses: ang loger, na may ibig sabihing "tumira" o "mangasera" o "humimpil". Ang orihinal na paggamit nito ay upang mailarawan ang agham ng pagkilos, pagpupuno at pagpapanatili ng mga lakas-militar sa pook ng labanan. Sa kalaunan, ginamit ito upang ilarawwan ang pamamahala ng mga materyal sa pamamagitan ng organisasyon, mula sa mga hilaw na mga materyal hanggang sa mga buo nang mga produkto.

Itinuturing na nagmula ang lohistika buhat sa pangangailangan ng militar na mapunan ang kanilang sarili ng mga armas, amunisyon, at mga rasyon habang inililipat nila ang kanilang himpilan o base papunta sa isang posisyong paharap. Sa sinaunang mga imperyong Griyego, Romano, at Bisantino, ang mga opisyal ng militar na may pamagat na Logistikas ang may responsibilidad sa mga paksa ng pagkakalat ng pananalapi at mga pampuno.

Ayon sa Oxford English Dictionary, ang logistics (Ingles ng lohistika) ay isang sangay ng agham pangmilitar na may kaugnayan sa pagtatamo, pagpapanatili, at paglilipat ng mga materyal, mga tauhan, at mga pasilidad. May isa pang talahaluganang naglalarawan sa lohistika bilang isang pagpoposisyon ng mga mapagkukunang-bagay na may kauganayan sa panahon. Bilang ganito, pangkaraniwang tinitingnan ang lohistika bilang isang sangay ng inhinyeriya na lumilikha ng mga "sistema ng mga tao" sa halip na mga "sistema ng mga makina". Kapag pinag-uusapan ang paksang "lohistika ng pamamahala ng mga mapagkukunang tauhan" (human resources management), nangangahulugan itong pagpapasok-paloob (mga input), o pangangalap ng mga tauhan na lubos na nagtatrabaho para sa panghuling tagakonsumo o tagagamit, o kaya upang magdala ng mga serbisyo o paglilingkod.


Militar Ang lathalaing ito na tungkol sa Militar ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.