Pumunta sa nilalaman

Louis Prang

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Louis Prang.
Bahay ni Louis Prang sa Roxbury, Boston, Massachusetts.
Pabrika ni Louis Prang sa Roxbury, Boston, Massachusetts.

Si Louis Prang (12 Marso 1824 – 14 Setyembre 1909) ay isang Amerikanong tagapaglimbag, litograpo, at tagapaglathala. Itinuturing siyang "ama ng mga kartang pambati sa Amerika."[1]

Ipinanganak si Prang sa Breslau ng Prusyanong Silesia. Isang tagalikha ng mga tela ang kaniyang amang si Jonas Louis Prang at nagmula sa liping Pranses na Huguenot. Dahil sa mga suliraning pangkulusugan noong bata pa, hindi nakatanggap si Prang ng maraming pagakakataong para makapag-aral sa normal na paaralan kaya't naging katukatulong siya ng kaniyang ama, kung kailan natuto siya ng paguukit at pagtitinang kaliko at paglilimbag. Noong mga maagang 1840, naglakbay siya sa Bohemia para gumawa ng mga gawain sa paglilimbag at mga tela. Subalit, makaraang ang ilang paglalakbay sa Europa, naging kasalamuha siya mga Himagsikan sa mga estadong Aleman noong 1848. Dahil tinutugis ng pamahalaang Prusyano, nagtungo siya sa Switzerland, at naging imigrante sa Estados Unidos noong 1850. Tumungo siya sa Boston, Massachusetts.

Maagang gawain

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Walang masasabing talagang matagumpay ang mga unang mga gawain ni Prang sa Estados Unidos, katulad ng mga paglalathala ng mga aklat hinggil sa arkitektura at paglikha ng mga produktong kata, kaya't nagsimula siyang umukit ng kahoy na gagamitin sa paglilimbag ng mga larawang pang-aklat. Noong 1851, naghanap-buhay siya para kay Frank Leslie, isang direktor ng sining para sa Gleason's Magazine, at para rin kay John Andrew, isang Ingles na mang-uukit at tagalimbag. Noong mga 1851, ikinasal siya kay Rosa Gerber, isang babaeng Swiss na nakilala niya sa Paris noong 1846.

Noong 1897, sumanib ang L. Prang and Company sa isa pang kompanya, na lumikha sa Taber-Prang Company at lumipat sa Springfield, Massachusetts. Namatay si Prang sa Los Angeles noong 1909 habang nagbabakasyon.

  1. "Louis Prang, father of American greeting card, Christmas cards, Greeting cards". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Bibliyograpiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Bethany Neubauer. "Prang, Louis," American National Biography, Pebrero 2000.

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]


Talambuhay Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.