Pumunta sa nilalaman

Santuwaryo ng Mahal na Ina ng Lourdes

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Lourdes Groto)
Ang Santuwaryo ng Mahal na Inang Lourdes.

Ang Santuwaryo ng Mahal na Inang Lourdes ay isang lugar na pumapalibot sa dambana o groto para sa Mahal na Ina ng Lourdes sa bayan ng Lourdes sa Pransiya. Ang lupaing ito ay pinag-aarian ng Simbahang Katoliko Romano, at may ilang mga gamit, katulad na ng mga gawaing debosyonal, mga tanggapan, mga pangangailangan ng mga maysakit na dumadalaw at ang mga tumutulong sa kanila. Ang Santuwaryo kasama ng mismong Grotto, ang mga kalapit na gripo na nagbibigay ng Tubig sa Lourdes, at ang mga opisina ng Tanggapang Medikal ng Lourdes, kasama na rin ang ilang mga simbahan at mga basilika. Ito ay may lawak na 51 hektarya, at kasama na ang 22 iba't ibang mga lugar ng pananampalataya.[1] Mayroong mga anim na wika ang sanktuaryo: Pranses, Ingles, Italyano, Kastila, Olandes at Aleman.

Ang istatuwa ni Fabisch para sa Ina ng Lourdes. Ginawa noong 1864.

Simula sa 11 Pebrero 1858, isang 14-taong gulang na magsasaka babae na nagngangalang Bernadette Soubirous ay umano'y nagkaroon ng karanasan sa isang serye ng mga pagpapakita ng isang babaeng bihis sa puti at may kulay-asul na sinturon sa paligid ng kanyang baywang, na sa kalaunan ipinakilala ang kanyang sarili bilang Imaculada Concepción, sa isang pangalan sa pamamagitan ng kung saan ang Birheng Maria ay nakilala.[2][3][4]

Sa lupain na mga napapalibutan ng ilog ng Gave de Pau ay isang pagkakahayag ng mga bato na tinatawag na Massabielle, (mula sa masse vieille: "lumang bato"). Sa hilagang bahagi ng batuhan, na malapit sa tabing-ilog, ay isang kakaibang hugis na mababaw na lungga o yungib, kung saan ang mga pagpapakita ng birhen ay naganap.[5]

Sa panahon ng pagpapakita, ang lupain na may kalayuan sa bayan ay ginagamit ng mga mamamayan ng maraming mga gawain gaya ng pagiging isang pastulan, kung saan puwedeng makakuha ng mga panggatong at imbakan ng basura. Ito ay nagkaroon ng paniniwalang bilang isang pangit o di-kanais-nais na lugar.[6]

Ang Birheng Maria ay laging nagpapakita sa isang lugar, isang nakaungat sa mismong bahagi ng grotto, na kung saan mayroong isang di-karaniwang rosas ang tumutubo. Kasama sa mga utos ng Birheng Maria ay "Pumunta ka at uminom sa buka", "Pumunta ka sa mga pari na magpalagay ng isang kapilya rito", at "Papuntahin mo ang mga tao rito." Ang tatlong utos na ito ay nagpapatunay sa hindi nag-iibang pag-unlad ng Santuwaryo at sa mga gawain nito.

An pagmamayanang kagustuhan sa mga pagpapakita ay lumaki; at ang mga mapagsiyat na mga bumibisita ay nagimula ng palitan ng mga deboto mula sa mga napakalayong luray na napaparito dahil sa mga kakaibang mga kuwento ng pagpapakita at mga milagro.

ISang lokal na pari na si Abbe Dominique Peyramale, kasama ng obispong si Monsignor Bertand-Sévère Mascarou Lawrence ay nagdala ng grotto at ang mga lupaing nasa paligid nito sa comune noong 1861, 3 taong nakalipas ng mga pagpapakita ng Birhen. Agad-agad sila ay nagplano na sa pag-iiba ng lugar at para gawing itong madaling puntahan ng mga bisita, at nagsimulang magpatayo ng una sa mga simbahan, na ngayon ay tawag na Crypt.

Ang mga Pangunahing Simbahan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Crypt ay ang unng simbahan na natapos sa Santuwaryo.

Ang Upper Basilica

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Basilica ng Imakulada Concepcion, na mas kilala bilang ang Upper Basilica, ay ang pangalawa sa mga simbahan na natapos.

Basilica Rosario

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Basilica Rosario ay ang pangatlo sa mga simbahan na matapos. ito ay natapos noong 1899 at dinisenyo ng isang arkitektong nagngangalang Leopold Hardy.

Ang Koronadong Istatua at ang Rosary Square

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang malawak na bukas na espasyo sa harap ng Basilica Rosario ay tinatawag na Rosary Square.

Ang Istatua ng Koronadong Birhen, mas kilala sa "Koronadong Istatua"(Prenses: La Vierge Couronnée), ay nakatatag sa Rosary Square mula sa Basilica Rosario at nakaharap sa pasukan.

Basilica sa Ilalim ng Lupa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Basilica ni Sto. Pius X, kilala rin bilang ang Basilica sa Ilalim ng Lupa, ay ang pinakamalaki at pinaka kontrobersiyal sa lahat ng mga simbahan sa Santuwaryo.

Simbahan ni Sta. Bernadette

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang isa sa mga pinakabagong pangunahing lugar ng pananampalataya ay ang Simbahan ni Sta. Bernadette na naitatag noong 1988.

Kapilya ng Reconciliation

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Kapilya ng Reconciliation na dating sumasakop sa isang lugar na mas malayo, ay nasa pasukan ng Upper Estasyon ng Krus.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. http://www.lourdes-france.org/index.php?goto_centre=ru&contexte=en&id=431&id_rubrique=431
  2. http://www.biographyonline.net/spiritual/bernadette-soubirious.html Biography ni Bernadette Soubirous
  3. http://www.catholic.org/saints/saint.php?saint_id=1757 Bernadette Soubirous
  4. http://www.ichrusa.com/saintsalive/bernad.htm St. Bernadette Soubirous (1844-1879) Incorrupt Relic
  5. Ruth Harris, Lourdes: Body and Spirit in the Secular Age, Penguin Books, 1999, p. 52.
  6. Ruth Harris, Lourdes: Body and Spirit in the Secular Age, Penguin Books, 1999, p. 53.

Mga ugnay sa labas

[baguhin | baguhin ang wikitext]