Papa Lucio III
Lucius III | |
---|---|
Nagsimula ang pagka-Papa | 1 September 1181 |
Nagtapos ang pagka-Papa | 25 November 1185 |
Hinalinhan | Alexander III |
Kahalili | Urban III |
Mga detalyeng personal | |
Pangalan sa kapanganakan | Ubaldo |
Kapanganakan | ca. 1100 Lucca, Holy Roman Empire |
Yumao | Verona, Holy Roman Empire | 25 Nobyembre 1185
Iba pang mga Papa na mayroon ding pangalan na Lucius |
Pampapang styles ni Papa Lucio III | |
---|---|
Sangguniang estilo | His Holiness |
Estilo ng pananalita | Your Holiness |
Estilo ng relihiyoso | Holy Father |
Estilo ng pumanaw | None |
Si Papa Lucio III (ca. 1100 – 25 Nobyembre 1185) na ipinanganak na Ubaldo ang Papa ng Simbahang Katoliko Romano mula 1 Setyembre 1181 hanggang sa kanyang kamatayan. Siya ay isang katutubo ng independiyenteng republika ng Lucca. Siya ay ipinanganak noong ca.1100 bilang Ubaldo na anak ni Orland. Siya ay karaniwang tinutukoy bilang isang kasapi ng aristokratikong pamilya ng Allucingoli ngunit ito ay hindi napatunayan.[1] Siya ay may malapit na mga kaugnayan sa mga Cisterciano ngunit tila hindi kailanman sumali sa orden.[2] Siya ay pinanganalang kardinal ni Papa Inocencio II noong Disyembre 1138 na sa simula ay bilang kardinal-deakonon ng San Adriano at pagkatapos noong Mayo 1141 bilang kardinal-pari ng Santa Prassede. Siya ay itinaas ni Papa Adriano IV sa ranggo ng Kardinal Obispo ng Ostia at Velletria noong Disyembre 1158. Siya ay dekano ng Sagradong Kolehiyo ng mga Kardinal at isa sa pinakamaimpluwensiyal na mga kardinal sa ilalim ng kanyang predesesor na si Papa Alejandro III. Pagkatapos mahalal bilang papa noong 1181, siya ay tumira sa Roma mula Nobyembre 1181 hanggang Marso 1182. Gayunpaman ang mga pagtutol sa siyudad ay pumilit sa kanyang palipasin ang natitira ng kanyang pagkapapa sa pagkakatapon na pangunahin sa Velletri, Anagni at Verona.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ J. M. Brixius, Die Mitglieder des Kardinalkollegiums voin 1130–1181, Berlin 1912, p. 90
- ↑ S. Miranda: Cardinal Ubaldo Allucingoli (note 1); I. S. Robinson, The Papacy 1073–1198. Continuity and innovation, Cambridge University Press 1990, p. 212.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Katolisismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.