Pumunta sa nilalaman

Lucy (Australopithecus)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Lucy
Lucy
Catalog numberAL 288-1
Common nameLucy
SpeciesAustralopithecus afarensis
Age3.2 mga milyong taon[1]
Place discoveredDepresyon ng Afar, Etiyopya
Date discoveredNobyembre 24, 1974
Discovered byJohanson at Gray[2]


Si Lucy ay ang pangalang ibinigay sa isang posilisadong hominidyo ng species na Australopithecus afarensis. Binigyan rin ito ng pangalawang pangalang Amhariko na dinqineš o "Dinkenesh" na may ibig sabihing "maganda ka"[3]. Naging isang pangkaraniwang pangalan ang Lucy ng AL 288-1, ang 40% buong kalansay ng Australopithecus afarensis natuklasan noong Nobyembre 24, 1974 ng International Afar Research Expedition o IARE (salin: Pandaigdigang Ekspedisyong Pampananaliksik ng Afar; direktor: Maurice Taieb, kasamang mga direktor: Donald Johanson at Yves Coppens) sa Lambak ng Awash ng Depresyong Afar ng Etiyopya. Tinatayang namuhay si Lucy noong 3.2 milyong mga taon na ang nakakaraan.[1]

Ang kalansay nito ay nagpapakita ng ebidensiya ng isang maliit na kapasidad ng bungo katulad sa mga bakulaw(na hindi tao) at naglalakad ng nakatindig na bipedal na sumusuporta sa pinagtatalunang pananaw na ang bipedalismo ay nauna sa paglaki ng sukat ng utak sa ebolusyon ng tao. [4][5]

  1. 1.0 1.1 "Mother of man - 3.2 million years ago". BBC Home. Nakuha noong 2008-10-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Instutute of Human Origins". Nakuha noong 2007-08-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Lucy's legacy: Discovering our most famous ancestor". The Houston Museum of Natural Science. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-01-16. Nakuha noong 2007-09-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Hadar entry in Encyclopædia (2008).
  5. Stephen Tomkins (1998). The Origins of Humankind. Cambridge University Press. ISBN 0-521-46676-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Biyolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Biyolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.