Pumunta sa nilalaman

Hominidae

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Hominidyo)

Mga hominid[1]
Temporal na saklaw: 7–0 Ma
Huling Mioseno hanggang Kasalukuyan
Isang chimpanzee
Klasipikasyong pang-agham e
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Hati: Mammalia
Orden: Primates
Suborden: Haplorhini
Infraorden: Simiiformes
Superpamilya: Hominoidea
Pamilya: Hominidae
Gray, 1825
Mga sari

Ang hominid ang taksonomikong pamilya ng mga primado na kinabibilangan ng mga tao, mga chimpanzee, mga bonobo, mga gorilya, at mga oranggutan.[1] Ito ay tinatawag ring mga dakilang mga bakulaw o malaking bakulaw upang itangi mula sa mas maliit na bakulaw(mga gibbon). Ang mga kasapi ng pamilyang ito ay tinatawag na mga hominido, hominidyo o hominid.

Dahil sa pagtitipong ito, kabilang sa Hominidae ang 4 na mga henera at 5 species. Nakahintil ang mga kasapi nitong hindi tao sa ekuwatoryal na Aprika, Sumatra at Borneo. Pumipetsa ang mga fossil ng hominidyo sa Mioseno at nakilalang mula sa Asya.

Nasasaklawan ng timbang ng mga hominidyo ang mula sa 48 kg hanggang 270 kg. Mas malalaki ang mga kalalakihan kesa mga kababaihan. Mga primado o primata ang mga hominidyo, na may matitipunong mga katawan at maunlad na mga bisig.

Kabilang din sa klasipikasyon ang mga ninuno ng pangkasalukuyang nabubuhay na mga uri.

Ang mga primado ay humiwalay mula sa ibang mga mamalya noong mga 85 milyong taong nakakalipas.[2][3][4] Ang pinakamaagang mga fossil ng mga primado ay mula 55 milyong taong nakakalipas.

Ang mga maagang primado ay lumitaw sa Eurasya. Ang angkan ng primado na pinaglitawan ng mga ape na Aprikano at mga tao kabilang ang Dryopithecus ay lumipat patimog mula sa Europa o Kanluraning Asya tungo sa Aprika. Ang mga populasyong tropikal ng mga primadong natuklasan sa mga fossil bed ng panahong Eocene at Oligocene sa depresyong Faiyum ng timog kanlurang Ehipto ay nagsanga sa iba't ibang kasalukuyang nabubuhay na species na lemur ng Madagascar, mga loris ng Timog Silangang Asya, mga galago ng Aprika, at mga anthropoid: platyrrhine (mga Bagong Daigdig na unggoy), at mga catarrhine na kinabibilangan ng mga Lumang Daigdig na unggoy at mga dakilang bakulaw(great apes) na kinabibilangan ng mga tao.[5]

Noong mga 40 milyong taong nakakalipas, ang impraorden na Simiiformes ay nagsanga tungo sa mga pangkat na Platyrrhini (mga Bagong Daigdig na unggoy) at Catarrhini (Hominoidea at mga Lumang Daigdig na unggoy). [6] Ang mga hominoid(bakulaw) ay humiwalay mula sa mga Lumang Daigdig na unggoy sa pagitan ng 29 milyon at 34.5 milyong taong nakakalipas.[7] Ang Hylobatidae(mga gibbon) ay humiwalay mula sa Hominidae(mga dakilang bakulaw) noong mga 15-20 milyong taong nakakalipas. Ang Ponginae(mga orangutan) ay humiwalay mula sa Hominidae noong mga 12-15 milyong taong nakakalipas.[8] Ang mga ninuno ng mga orangutan o mga malapit na nauugnay rito ay maaaring kinakatawan ng mga fossil gaya ng Sivapithecus at Ramapithecus na natuklasan sa mga burol na Siwalik ng Pakistan. Ang mga gorilya ay humiwalay sa linya na tumutungo sa Pan(chimpanzee at bonobo) at tao noong mga 10 milyong taong nakakalipas.[9] Ang species na malapit sa huling karaniwang ninuno ng mga gorilya, mga chimpanzee, mga bonobo at mga tao ay maaaring kinakatawan ng mga fossil na Nakalipithecus na natagpuan sa Kenya at Ouranopithecus na natagpuan sa Gresya. Ang linyang Pan(chimpanzee at bonobo) ay humiwalay sa linya na tumutungo sa tao noong mga 6 hanggang 7 milyong taong nakakalipas. Pagkatapos nito, ang chimpanzee at bonobo ay naghiwalay noong kaunti sa 1 milyong taong nakakalipas.[10][11] Pagkatapos ng paghihiwalay ng mga chimpanzee at tao, ang linyang tumutungo sa tao ay nag-ebolb tungo sa henus na Australopithecus noong mga 4 milyong taong nakakalipas. Ito ay nagpalitaw sa iba't ibang species gaya ng Australopithecus afarensis, A. africanus, A. anamensis, A. bahrelghazali, A. garhi at A. sediba. Noong mga 2 milyong taong nakakalipas, ang Australopithecus ay nag-ebolb tungo sa henus na Homo na nagpalitaw naman sa iba't ibang mga species gaya ng mga neanderthal at mga tao.

Mga bungo ng orangutan at gorilya
Mga bungo at utak ng isang tao at chimpanzee, ipinapakita sa Histoire naturelle des mammifères ni Gervais
Orangutan
Gorilla
Chimpanzee
Bonobo
Tao

Mga kasalukuyang nabubuhay na species ng Hominidae

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga natuklasang fossil ng mga hindi na umiiral na species ng Hominidae

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang sumusunod ang mga natuklasang fossil ng mga hindi na umiiral na species ng Hominidae. [12]

Family Hominidae

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Groves, C.P. (2005). Wilson, D.E.; Reeder, D.M. (mga pat.). Mammal Species of the World: A Taxonomic and Geographic Reference (ika-3rd (na) edisyon). Baltimore: Johns Hopkins University Press. pp. 181–184. ISBN 0-801-88221-4. OCLC 62265494. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Lee, M. (1999). "Molecular Clock Calibrations and Metazoan Divergence Dates". Journal of Molecular Evolution. 49 (3): 385–391. doi:10.1007/PL00006562. PMID 10473780. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Scientists Push Back Primate Origins From 65 Million To 85 Million Years Ago". Science Daily. Nakuha noong 2008-10-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Tavaré, S., Marshall, C. R., Will, O., Soligo, C. & Martin R.D. (Abril 18, 2002). "Using the fossil record to estimate the age of the last common ancestor of extant primates". Nature. 416 (6882): 726–729. doi:10.1038/416726a. PMID 11961552.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  5. Kordos L, Begun D R (2001). "Primates from Rudabánya: allocation of specimens to individuals, sex and age categories". J. Hum. Evol. 40 (1): 17–39. doi:10.1006/jhev.2000.0437. PMID 11139358.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Robert W. Shumaker & Benjamin B. Beck (2003). Primates in Question. Smithsonian Institution Press. ISBN 1-58834-176-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Apes, Monkeys Split Earlier Than Fossils Had Indicated/". redOrbit.com. 8 Enero 2005. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Hulyo 2011. Nakuha noong 6 Pebrero 2013. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. http://www.orangutan.org/orangutan-facts/orangutan-biology
  9. http://www.abc.net.au/science/articles/2012/03/08/3448783.htm
  10. Won, Yong-Jin; Hey, Jody (13 Oktubre 2004). "Divergence population genetics of chimpanzees". Molecular Biology & Evolution. 22 (2): 297–307. doi:10.1093/molbev/msi017. PMID 15483319.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Fischer, Anne; Wiebe, Victor; Pääbo, Svante; Przeworski, Molly (12 Pebrero 2004). "Evidence for a complex demographic history of chimpanzees". Molecular Biology & Evolution. 21 (5): 799–808. doi:10.1093/molbev/msh083. PMID 14963091.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Haaramo, Mikko (2005-01-14). "Hominoidea". Mikko's Phylogeny Archive.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Haaramo, Mikko (2004-02-04). "Pongidae". Mikko's Phylogeny Archive.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Haaramo, Mikko (2005-01-14). "Hominoidea". Mikko's Phylogeny Archive.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Haaramo, Mikko (2007-11-10). "Hominidae". Mikko's Phylogeny Archive.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Paleodb". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-27. Nakuha noong 2013-07-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Barras, Colin (2012-03-14). "Chinese human fossils unlike any known species". New Scientist. Nakuha noong 2012-03-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "National Geographic". National Geographic Society. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Hunyo 2007. Nakuha noong 25 Hulyo 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)