Pumunta sa nilalaman

Australopithecus

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Australopithecus
"gracile australopithecine"
Temporal na saklaw: Pliocene - Pleistocene 3.9–1.7 Ma
Descendant taxon Homo survives to present
Australopithecus afarensis
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Infraklase:
Orden:
Pamilya:
Subpamilya:
Tribo:
Subtribo:
Sari:
Australopithecus

R.A. Dart, 1925
Species

A. africanus
A. garhi
A. sediba
Also called Paranthropus
P. aethiopicus
P. robustus
P. boisei
Also called Praeanthropus
A. afarensis
A. anamensis
A. bahrelghazali

Ang henus na Australopithecus (Latin australis "ng timog", Griyego πίθηκος pithekos "bakulaw") ay isang grupo ng hindi na umiiral na mga hominid, mga gracile australopithecines, na ninuno ng henus na Homo. Ayon sa Proyektong Henoma ng Tsimpansi, ang tao (Ardipithecus, Australopithecus, at Homo) at ang tsimpansi(Pan troglodytes at Pan paniscus) ay may parehas na angkang naghiwalay mula sa isang parehas na ninuno noong 5-6 milyong taon na ang nakalipas.

Batay sa ebidensiyang natipon ng mga paleontologo at mga arkeologo, ang henus na Australopithecus ay nag-ebolb sa silanganing Aprika noong mga 4 milyong taong nakakalipas bago ang pagkalat nito sa buong kontinente at kalaunang naging ekstinto noong 2 milyong taong nakakalipas. Sa panahong ito, ang ilang mga species ng australopithecus ay lumitaw kabilang ang Australopithecus afarensis, Australopithecus africanus, Australopithecus anamensis, Australopithecus bahrelghazali, Australopithecus garhi at Australopithecus sediba.

Papel sa ebolusyon ng tao

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Malawakang pinaniniwalaan ng mga arkeologo at paleontologo na ang mga ito ay gumampan ng mahalagang papel sa ebolusyon ng tao. Ito ang unang hominin na nagpakita ng presensiya ng isang gene na dinuplikang SRGAP2 na nagsanhi ng pagtaas ng haba at kakayahan ng mga neuron ng utak.[1] Ito ay kalaunang nag-ebolb sa henus na Homo sa Aprika noong mga 2 milyong taong nakakalipas na nagpalitaw sa mga homo sapiens(modernong tao).[2]

Ang utak nila ay 35% ng utak ng modernong tao; ang kanilang taas ay 1.2 hanggang 1.4 m (4 hanggang 4.5 feet) at ang ibang mga uri nito ay may dimorpismong seksuwal kung saan mas malaki ang lalaki kaysa sa babae.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Reardon, Sara (2012), The Humanity Switch, New Scientist (AU/NZ), 12 May 2012 No2864, Pp. 10-11. ISSN 1032-1233
  2. Toth, Nicholas and Schick, Kathy (2005). "African Origins" in The Human Past: World Prehistory and the Development of Human Societies (Editor: Chris Scarre). London: Thames and Hudson. Page 60. ISBN 0-500-28531-4