Homo sapiens idaltu

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Homo sapiens idaltu
Temporal na saklaw: Pleistocene (Lower Paleolithic), 0.16 Ma
Klasipikasyong pang-agham e
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Hati: Mammalia
Orden: Primates
Suborden: Haplorhini
Infraorden: Simiiformes
Pamilya: Hominidae
Subpamilya: Homininae
Tribo: Hominini
Sari: Homo
Espesye:
Subespesye:
H. s. idaltu
Pangalang trinomial
Homo sapiens idaltu
White et al., 2003

Ang Homo sapiens idaltu ay isang ekstintong subespesye ng Homo sapiens na namuhay noong halos 160,000 taong nakakalipas sa Aprika sa panahon ng Pleistocene.[1] Ang "Idaltu" ay mula sa salitang Saho-Afar na nangangahulugang "nakatatanda o unang ipinanganak".[1]

Taksonomiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang mga fossil na ito ay kakaiba sa kalaunang anyo ng H. sapiens gaya ng Cro-Magnon na natuklasan sa Europa at ibang mga bahagi ng mundo sa dahilang ang kanilang morpolohiya ay nag-aangkin ng maraming sinaunang katangian na hindi tipikal ng H. sapiens.[1] Sa kabila ng mga katangiang sinauna, ang mga specimen na ito ay ikinatwirang kumakatawan sa mga tuwirang ninuno ng modernong Homo sapiens sapiens na ayon sa "kamakailang pinagmulang Aprikano ay umunlad pagkatapos ng panahong ito (Ang Khoisan na paghihiwalay na mitokondriyal ay pinetsahang hindi pagkatapos ng 110,000 BCE sa Silangang Aprika.[1]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 White, Tim D.; Asfaw, B.; DeGusta, D.; Gilbert, H.; Richards, G. D.; Suwa, G.; Howell, F. C. (2003), "Pleistocene Homo sapiens from Middle Awash, Ethiopia", Nature, 423 (6491): 742–747, doi:10.1038/nature01669, PMID 12802332