Pumunta sa nilalaman

Lupito

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Lopito
Kapanganakan
Wolfrando Lavalan

Disyembre 5, 1912
KamatayanNobyembre 3, 1966 (gulang na 53)
NasyonalidadFilipino
TrabahoArtista, Komedyante
Aktibong taon1946-1966

Si Wolfrando Lavalan, Sr. (isinilang noong 5 Disyembre 1912 sa Magallanes, Sorsogon at yumao noong Nobyembre 3,1966), o mas kilala bilang Lopito, ay isa sa mga bantog na komedyante at Artista noong Panahon ng Ginintuang Panahon ng Pelikulang Filipino noong dekada '50 at isa sa mga Bantog na artista ng Sampaguita Pictures, na isa sa mga kumpanyang pampelikulang kabilang sa "The Big Four."

Si Lopito rin ang orihinal na lalaking punong-abala ng palatuntunang Tawag ng Tanghalan na kung saa'y kanyang kasama bilang punong abala ang isa Ring artista na si Patsy. Bukod pa rito'y nakilala siya sa kanyang pagpanggap bilang si Kenkoy, (isang sikat na karakter na nagbuhat sa Liwayway Magazine noong 1953.

Nagkaroon siya ng isang supling at ito ay si Jun Lopito, ngunit ang Tinahak naman nitong landas ay ang mundo ng Musika.

Pumanaw siya sa Rurok ng katanyagan noong 3 Nobyembre 1966 sa Gulang na 53 at kasunod nito'y pinalitan siya ng artistang si Pugo bilang lalaki na punong abala sa palatuntunang Tawag ng Tanghalan, na noong araw ay isa lamang palatuntunan sa Radyo.


PilipinasArtista Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Artista ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.