Patsy

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Si Pastora Mateo (1916-1979), o mas kilala sa pangalang Patsy o Patsy Patsochay, ay isang artista[1] at komedyante na sikat noong mga dekada 1950 at 1960. Kilala rin siya sa pagiging orihinal na babaeng punong-abala ng Tawag ng Tanghalan kasama ang isa pang komedyante na si Lupito. Sa pelikula at sa telebisyon ay kilala siya sa pagsasalita ng wikang Kapampangan kapag nagkaroon ng problema. Ang kanya sanang magiging katambal ay si Pugo, pero iyon ay di natuloy sa kanyang paglisan noong 1978. Matapos ang isang taon,ay nasundan naman ito ng kanyang pagpanaw noong 1979 sa edad na 64. Nang mawala siya ay pinalitan siya ni Nanette Inventor na mula naman sa Macabebe, Pampanga. Si Patsy ay nagmula naman sa Lubao, Pampanga.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Lo, Ricky (21 Abril 2014). "A tribute to post-war (1946) actresses". The Philippine Star (sa Ingles). Nakuha noong 14 Hunyo 2016.