Luya-luyahan
Luya-luyahan | |
---|---|
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | Plantae |
Klado: | Tracheophytes |
Klado: | Angiosperms |
Klado: | Monocots |
Klado: | Commelinids |
Orden: | Zingiberales |
Pamilya: | Zingiberaceae |
Sari: | Curcuma |
Espesye: | C. zedoaria
|
Pangalang binomial | |
Curcuma zedoaria (Christm.) Roscoe
|
Ang luya-luyahan (Curcuma zedoaria) ay isang uri ng halamang kahawig ng tunay na luya. Ito ay isang perenyal na damong-gamot at nabibilang sa saring Curcuma, pamilya Zingiberaceae. Ang halamang ito ay katutubo sa mga bansang India at Indonesia. Ipinakilala ito ng mga Arabo sa Europa noong ika-anim na siglo ngunit ang gamit nito bilang pampalasa sa Kanluran ay bihira at napalitan na ng luya.
Kaanyuan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang luya-luyahan ay isang rhizome na nabubuhay sa mga tropikal at subtropikal na mga magubat na rehiyon. Ang halaman na ito ay mabango at mayroon mga dilaw na mga bulaklak. Meron itong pula at luntiang mga bract at ang pangilalim ng lupa nitong katawan ay malaki at maraming sanga. Ang mga talbos ng dahon ng luya-luyahan ay mahahaba at maaring umabot ng isang metro (tatlong talampakan) sa taas.
Gamit
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagkain
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang makakaing ugat ng luya-luyahan at mayroong puting loob at bangong tulad ng mangga. Subalit ang lasa nito ay gaya ng luya ngunit mayroon itong mapait na naiiwang lasa. Pinupulbos ito at hinahalo sa curry sa Indonesya. Kinakain ito habang sariwa o kaya binuburo sa Indiya.
Medisina
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ginagamit ang luya-luyahan sa mga tradisyonal na medisina ng silangan kung saan sinasabing tumutulong ito sa pagtunaw ng pagkain, pagpagaan ng colic at panlinis ng dugo.
Iba pang gamit
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga mahahalagang langis mula sa pinatuyong ugat ng Curcuma zedoaria ay ginagamit sa paggawa ng pabango[1], sabon at bilang sangkap sa mapapait na tonic.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ English, Leo James. Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971910550X
Panlabas na Kawing
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Curcuma zedoaria information from NPGS/GRIN Naka-arkibo 2010-05-27 sa Wayback Machine.
- Catalogue of Life : 2008 Annual Checklist : Curcuma zedoaria (Christm.) Roscoe[patay na link]
- Situs ipteknet Naka-arkibo 2008-10-20 sa Wayback Machine. (sa Indones)
- http://www.nih.go.jp/eiken/chosa/nagata%20.html Naka-arkibo 2009-03-27 sa Wayback Machine.
Ang artikulo na ito ay isinalin mula sa " Zedoary " ng en.wikipedia. |