Pumunta sa nilalaman

Macau University of Science and Technology

Mga koordinado: 22°09′N 113°34′E / 22.15°N 113.57°E / 22.15; 113.57
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Aklatan

Ang Macau University of Science and Technology (M.U.S.T.; Tsino: 澳門科技大學; Portuges: Universidade de Ciência e Tecnologia de Macau, UCTM) ay isang komprehensibong unibersidad na matatagpuan sa Taipa, Macau, sa Cotai Strip sa tapat ng Venetian Macau sa pulo ng Taipa. Ang Unibersidad ay may sukat na 21 ektarya. Ang MUST ay isang pribadong unibersidad na pinamamahalaan ng MUST Foundation at ang unang unibersidad na itinatag matapos ang paghahatid ng Macau sa Republikang Popular ng Tsina.

Pinayagan ng gobyerno ng Macau SAR ang MUST na maggawad ng mga digring akademiko sa mga antas doktoral, master, at batsilyer. Ang MUST ay nag-aalok ng mga programa na inihahatid pangunahin sa Ingles, na may ilan sa Portuges, Espanyol o Tsino. Ang MUST ay umaakit ng mga mag-aaral mula sa Tsina, Macau, Hong Kong, Taiwan at ibang bahagi ng mundo.

22°09′N 113°34′E / 22.15°N 113.57°E / 22.15; 113.57 Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.