Pumunta sa nilalaman

Kagandahan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Maganda)
"Ang kagandahan ay nasa mata ng tumitingin."

Ang ganda[1] o kagandahan[1] (Ingles: beauty[1], charm) ay isang katangian ng isang tao, hayop, lokasyon o pook, bagay, o ideya na nagbibigay ng karanasan ng pananaw o hiwatig ng kaligayahan, kahulugan, o pagkapuno (satispaksiyon). Pinag-aaralan ang kagandahan bilang bahagi ng estetika, sosyolohiya, sikolohiyang panlipunan, at kalinangan. Bilang isang nilikhang pangkultura, labis na naging komersyalisado ang kagandahan. Isang katauhan o katawan ang "huwarang kagandahan" o "kagandahang ideyal" na hinahangaan, o nag-aangkin ng mga katangiang malawakan ibinubunton sa diwa ng kagandahan sa isang partikular na kultura, para sa perpeksiyon.

Kalimitang kinasasangkutan ang pagkaranas ng "kagandahan" ng pagkakaunawa ng ilang mga entidad bilang nasa loob ng balanse at harmoniya ng kalikasan, na maaaring humantong sa mga damdamin ng pagkaakit at mabuting kapakanang pangdamdamin. Dahil sa isa itong karanasang nasa isip, personal, o pangsarili, malimit na sinsabing "ang kagandahan ay nasa mata ng tumitingin."[2][3] Sa diwa nitong pinakamarubdob, maaaring magbunga ang kagandahan ng isang kapuna-punang karanasan ng positibong maingat na paglilimi hinggil sa kahulugan ng pansariling pag-iral. Ang paksa ng kagandahan ay anumang bagay na nag-aalingawngaw ng kahulugang pansarili.

Kasingkahulugan ang salitang kagandahan ng maganda, kariktan[1], dilag, karilagan, bighani, alindog[1]; maaari ring katumbas ng inam, igi, kaigihan, bentahe, kalamangan, at aya.[4] Partikular na nangangahulugan ang alindog ng matinding kagandahan o napakaganda, na katumbas din ng mga salitang dikit[1] at dingal. Katumbas ng maalindog ang pagiging kaakit-akit.[5] Bukod sa kagandahan, maaari ring tumukoy ang alindog sa karinyo[5], lambing[5], kalinga[5], bait[5], o kaya sa papuring paimbabaw o tuya.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 Blake, Matthew (2008). "Beauty, alindog". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), nasa Beauty Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine. at Alindog Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine..
  2. Salin ng "beauty is in the eye of the beholder."
  3. Gary Martin (2007). "Beauty is in the eye of the beholder". The Phrase Finder. Nakuha noong 4 Disyembre 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Gaboy, Luciano L. Beauty - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 5.4 English, Leo James (1977). "Alindog, great beauty or charm; maalindog, kaakit-akit; karinyo, bait, lambing". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 34.


SiningKultura Ang lathalaing ito na tungkol sa Sining at Kalinangan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.