Pumunta sa nilalaman

Magnificat

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Magnificat[1] (kilala rin bilang Awit ni Maria[2] o Awit ng Pagpupuri ni Maria[3]) ay isang kantikulong kalimitang pangliturhiyang inaawit (o sinasambit) sa mga banal na pagtitipon ng mga Kristiyano. Tuwirang hinango ang teksto ng kantikulo mula sa Ebanghelyo ni Lukas (Lukas 1:46-55[1][2]) kung saan binanggit ito ng Birheng Maria sa panahon ng kanyang pagdalaw sa kanyang pinsang si Isabel. Sa loob ng salaysay, pagkaraan batiin ni Maria sa Isabel, na nagdadalangtao noong dala sa sinapupunan si Juan Bautista, gumalaw ang sanggol sa loob ng bahay-bata ni Isabel. Nang purihin ni Isabel si Maria dahil sa kanyang pananalig, inawit ni Maria ang Magnificat bilang tugon.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Abriol, Jose C. (2000). "Magnificat, Lukas 1:46-55". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), "Ito ang tinatawag ng "Magnificat".; sa talababa 46-55, pahina 1512.
  2. 2.0 2.1 Ang Awit ni Maria, biblegateway.com
  3. Ang Awit ng Pagpupuri ni Maria, Ang Magandang Balita ayon kay Lucas, Buong Bibliya sa wikang Tagalog, AngBiblia.net

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

PananampalatayaKristiyanismo Ang lathalaing ito na tungkol sa Pananampalataya at Kristiyanismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.